Friday, December 21, 2007

Ilang araw na lang..

umalis na pala ung Dad ko kanina papuntang Sudan uli.. sana maging safe sya :D

Grabe ang traffic!!!!!!!!!!!!!!!!! umalis kami sa bahay ng 10 am.. nakabalik kami ng mga 5:30!!!!!!!! wadaher!!

Ayun, super tipid ng post na to haha Basta gagawa pa ko ng RDR sa chem haha

Wednesday, December 19, 2007

CS CORALS

Grabe talaga friends... 2nd place kami sa University-wide CArolfest!! woohoo!!!

Ang tawag pala namin sa cs chorale ay CS corals haha :)) Grabe, naaalala ko ung nung nagpapractice pa kami.. may tension tension pa nun, mga nagkakainitan, mga naooffend, mga sore throat, mga dehydrated, mga pagod, mga inaantok, etc etc Nung una, medyo formal pa kami kasi di pa namin kilala ung isa't isa pero soon, naging clsoe din kami.. nagkaroon na ng mga tawanan, jokes, tawanan ulit , mga churves (yihee!! haha ), at tawanan forever haha :)) I'll really miss my fellow CS Corals haha :))

Short lang tong post na to kasi tinatamad ako magpost haha :)) pero ayun ung point, napamahal na sa kin ung mga CS chorale people at itetreasure ko talaga every moment na spinend ko with them haha :)) It was really fun!!

Every effort, every tear , every pain, every tiring practice, every vocalization, every sacrifice......everything was really worth it. I learned a lot from the few weeks I shared with them. Patience, camaraderie, sacrifice are only a few. Sana magkitakita pa kami.. I love you, guys!!! :D

-tin <3

Friday, December 7, 2007

Star Activity

after 10 years. nakapagpost na rin ako.. haha
Ayun.. kahapon ay College of Science Carolfest. Sisimulan ko ang pagkekwento sa mga araw bago ung Carolfest hehe

Practice to the max talaga kami this week. Ung piyesa pala namin ay A Christmas Carol saka Joy to the World. Sobrang tensiyonado na lahat ng tao kasi malapit na ung carolfest tapos hindi pa rin kami confident tapos may mga aayusin pa. Nung monday hanggang wednesday, hanggang mga 8 ung practices pero nung thursday, hanggang 10 pm kami nagpapractice sa Albert Hall. Tapos grabe, part rin kasi kami nina Ben, Cecile, Ate Iel at Kuya Carlo ng CS Chorale so ang ginagawa namin pupunta muna kami sa MBB practice tapos pag mga bandang 5:30 tatakbo kami papuntang CS para magpractice ng pangCS Chorale. Kakanta rin kasi kami sa CS Carolfest tapos may University-wide Carolfest pa this friday. Nung una, dapat Kumukutikutitap saka A Christmas Carol din kakantahin namin pero mga 2 days before naging Carol of the Bells na haha pero ok lang kasi mas madaling aralin un tapos nung gabi rin na un tinuro per voice tapos nakanta na namin kasi paulit ulit lang naman hehe Tapos, aalis kami ng CS Chorale at tatakbo papuntang Albert Hall (wala nang Toki jeep kaya naglalakad kami galing CS papuntang Albert). Magpapractice uli kami ng Christmas Carol saka Joy to the World.

Tapos, nung Thursday, hanggang 10 pm kami sa Albert. Sobrang nagpractice na talaga kami nun tapos tinuro ung choreo. Sobrang nagimprove ung pagkanta namin nung gabing un haha Siguro kasi, kahit pressured na lahat ng tao masaya pa rin. Yun nga ung sobrang nakakatuwa sa MBB people, kahit pressured nagtatawanan pa rin haha. Naamaze talaga ko kina Kuya Joshua, Kuya Juanchi, Ate Andoi, Ate Roxanne, Ate Biji saka marami pang mga tao kasi kahit gutom na kaming lahat, inaantok, pagod, etc etc sobrang hindi nila kami sinisigawan or inaaway whatever. Cool lang talaga sila tapos syempre si Kuya Joshua forever pa rin nakasmile saka si Kuya Juanchi energetic pa rin ang pagconduct. Ang hirap magsmile kapag leader ka ng isang group tapos lahat nakadepend sayo di ba? Kaya grabe amazed talaga ko sa kanila.haha :D Si Ate Biji, kahit piyok piyok na kaming mga soprano at masakit na sa tenga ung kanta namin haha sobrang patient nyang turuan kami. Tapos si Ate Andoi, nililead pa rin ung mga alto kahit ilang araw nang nasstrain ang kanyang voice kakasaway samin haha Si Ate Roxanne at Ate JAde, kahit sobrang pressured na kasi the night before lang namin malalaman ung choreo, malumanay pa rin ung pagsasalita samin pero syempre with authority. :D SAka ung props people, kahit the day of the carolfest itself, patient pa rin sa pagtapos nung super gandang backdrop :D. Si Ate Hazel, kahit less than 2 hours na lang bago ung carolfest nakagawa pa rin kami ng hats, confetti, saka mga basket na may isdang may pangalan haha Lahat actually sobrang nagcooperate para maging maganda ung performance namin sa Carolfest. And I think, mas importante pa rin ung happy memories kesa kung nag 3rd place kami or anything else. Lalo na pala sa mga seniors, kasi last yr na nila. Basta nagenjoy lang kaming lahat nung presentation na kahit di kami nakapagvocalize etc. Sobrang naghelp ung prayer before the performance. :D Taops ang cute lang haha kasi nung nakapila na kami sa baba ng stage nagpa"Pass the love" kami haha as in ihahug mo ung taong susunod tayo tapos ipapass mo yung love haha Nakakatuwa!! haha :))

Tapos, after na iaannounce ung winners, naglakad kami papuntang Albert hahaha ay oo nga pala, nagIkot Jeep kami papuntang Econ Bldg at kumakanta kami sa jeep hahaha Tapos, nung naglalakad kami.. nangtitrip sina gihan hahaha binabati nila ng Merry Christmas ung mga taong dadaan haha Tapos nung nakabalik na kami ng Albert nagbihis na kami tapos sila pumuntang Yellowcab Visayas ata pero kami nina Peach umuwi na. Sad nga eh di ako pinayagan pero ok lang kasi late na nga talaga haha baka next year payagan na ko hahaha

Grabe, ayun haha hindi ko alam sasabihin ko haha Basta, masaya :D

Sunday, October 28, 2007

Father Side

Nagpunta kami sa Fontana sa may Subic kahapon hanggang kaninang umaga, yey! haha Ang weird ng feeling ko nung isang araw kasi hindi ko alam kung excited ako or natatakot kasi ung other side of the family ung kasama namin ng ate ko. Normally kasi ung mother side namin ung parati naming kasama magouting or get-together. Takot saka uneasy talaga ko sa relatives namin sa father side eh hehe kasi sila ung mga "rich" kaya di ko talaga sila close.. actually di ko sila kilala talaga kahit by name at sinong anak nino, sinong kapatid ni ano, etc etc. Kaya nagdecide na ko na tatahimik na lang ako forever at magprepretend na hindi nageexist pero imposible naman un haha kaya itatatry ko na lang na hindi mapansin haha.

So ayun, kahapon ng umaga sobrang ready na talaga ung gamit ko eh..super daming damit at sinaksak ko lang lahat sa 1 bag oh di ba hahaha Nainis talaga ko nung umaga kasi aalis na lang kami eh pinagsusuot pa ko ng sapatos ng ate ko kasi akala nya hotel ung sstayan eh ayoko nga ng shoes haha ang init init eh haha kaya in the end ako rin ung nasunod haha suot ko ung all-around brown slippers ko hahaha

Tapos pagdating namin sa bahay ng uncle namin binigyan nya kami ng pera haha nakakatawa kasi sabi nung mga pinsan namin sila daw hirap humingi ng pera kay Uncle haha Mabuti na lang madalang lang kami magpakita sa kanya hahaha deh joke lang hindi lang talaga namin feel ung "high" people hahaha Tapos, ayun umalis na kamisakay ng van at nagtungo na sa Pampanga. Mabilis lang naman ung biyahe..:D

Kaya lang, pagdating dun gutom na kami kasi nagbaon ng lunch ung mga Auntie at Uncle ko (which proves hindi naman pala sila ung mga iniimagine kong mayayaman na magoorder na lang kasi nakakahiya naman may baon ka pa.. fun! :D) pero hindi pa lumalayas sa ibang villa ung mga taong dapat eh nag-out na haha kaya sa parking area nal ang kami kumain muhahahah nakakatawa talaga!! very exciting!! haha kasi ba naman, pag may dumadaang guard kaming mga bata nagtatago sa kotse hahaha pero ang hindi ko ineexpect sina Tita niyaya ung guard kumain ng pancit at siopao hahahahaha :)) Grabe, ang fun!!! hahaha natatawa talaga ko haha

At since matagal pa bago kami makapagsettle sa aming villa, nagswimming na muna kaming mga bata except kay Kuya RJ/Arjay/Arjey/ewan hahaha at kay Jaja/Jahjah/ewan 2 haha :)) Ayun, swim swim.. grabe fun!!!! I love to swim!! saka ang fun nung grand slides haha!!

Tapos,nagshower na kami ni ate pero paglabas namin wala na ung mga kamag-anak namin haha PEro, buti nal ang dumating ung isang kasambahay na kasama namin at sabi nya nauna na daw sila dun sa may parang Picnic grounds para kumain ng rice at matinong lunch. Dumating din kami dun at kumain. Pero, nung tapos na kami, nakita namin ang isang insect(na parang ulo ng hito na binalot ng cotton ung lower half) na nagsostroll sa table namin hahaha At syempre, sobrang natuwa talaga ko muhahaha naalala ko ung Field Bio!! Kaya as usual,, hindi ko na naman napigilan ang sarili ko maamaze dun sa insect kaya sobrang nilapit ko ung mukha ko at inobserbahan ko talaga hahaha Sabi ng Ate ko: "Oh.. ayan ka na naman..nerdo ka talagang bata ka noh..nagbabakasyon po tayo hindi to field bio noh!" haha ang weird siguro ng itsura ko nun sa mga relatives ko hahaha :)) Tapos, nagkwento ng seryoso si Auntie Lucy about life, love and success. Natutuwa ako sa kanya kasi ang bait nya eh parang mother figure talaga saka! scholar din daw sya dati wala lang hehe

Pagkatapos maghintay ng isang libong taon (oa haha) ok na ung villa namin at nakapagsettle na rin kami sa wakas haha Ang fun nung villas kasi mukha talagang bahay haha eh kasi bahay namna talaga ung mga yun haha!! May kitchen, living room, etc etc tapos may 3 TV!!! happiness!! hahaha :)) Tapos after kumain ulit, swimming na naman pero kasama na rin namin ung ibang mga relatives namin.. :D

Nag"bonding" (as Jaja called it haha) kami nina Kuya RJ, Jaja saka ni ate. Swimming kami ng swimming at paulit ulit na nagslide, stop din kami ng stop sa lazy river kapag may mini falls haha at parang fountain, sinabayan din namin ung waves dun sa wave pool at nagswimming na nman hahaha Nakakatuwa kasi hindi ko talaga kilala si Jaja at Kuya RJ dati haha oh well mababait naman pala ung father side namin haha

Tapos tulog, kain, nood ng movie, kain,nood ng movie, tulog .... x 10000000 lang ung ginawa talga namin dun hahaha Ay! Nagikot din pala kami pero maliit lang ung inikutan namin. Nakakatawa kasi ung isang kasambahay na kasama namin , si Ate Fe, naghahanap ng Amerikano/"'Kano" hahaha nakakatawa nga nung naggreet sila dun sa ibang mga Americans eh hahaha pero sumagot naman ung mga yun feeler hahaha deh joke! mabait lang talga sila haha

Tapos, umuwi na kami haha wala lang hahaha God Bless! :D

Sana pala bumalik kami uli pag umuwi na si Papa haha :))

Saturday, October 20, 2007

juzzah


HAPPY BIRTHDAY, GIHAN!!!!!!! :)>-

Saturday, October 13, 2007

Origene :))

**Tsadan**!!!
Today is the First National Biotechnology Quiz Bee for High School Students (NCR)!! huwaw!! nagparticipate kami dun nina Cecile and Gihan.. yey!!!

Board exam ng ate ko ngayon for CPA so maaga sya umalis at walang gumising sakin grabe haha nagising ako ng 6:30 at ang unang ginawa ko ay magtext kay Cecile na magmeet kami sa Kalay ng 7:45. Nagreply sya tapos sabi nya 7 kaya ung calltime.. Haller tin!! ano ba yan 6:45 na nun at galing pa ako ng Tandang Sora haha. so nagmadali na naman ako pero naligo naman ako at nagtoothbrush noh haha. Nagmeet kami ni Cecile sa UP checkpoint at dumeretso na sa Albert. Grabe may schools na kaagad ah haha at haller again, tin!! SMART CASUAL daw pala haha at naka puff sleeves ako na yellow na may lace at nakajeans and slippers with beads haha casual naman un ah haha as for the smart part.. ung UP I.D. na lang hahaha deh joke lang nagpapalusot lang ako kasi nakacasual lang ako hahaha

Tapos wala ikot ikot lang kami ni Cecile tumutulong sa ibang mga bagay. AY!! oo nga pala.. we have an I.D. yihee hahaha grabe ikikeep ko tlaga un feel na feel ko ung I.D. haha Nung magsstart na ung Opening Program nagulat ako sabi ni Kuya Carlo ako daw kakanta ng national anthem wala atang boses masyado si Ate Jana.. uh-oh.. ang tagal namin nagpipilitan dun kasi ayoko nakakahiya un eh haha pero well nagagree na rin ako afterwards.

Tapos, *dun* *dun* ayan na. Kumanta ko pero well ewan ko kung anong reaction nila pero malamang wala naman rin silang pakialam kasi focused sila sa upcoming Biotech eliminations haha Tapos ayun nagtest na sila. Thank you po pala kay Ma'am H and sa other admin para sa food namin for the whole day haha grabe, free un ah haha Breakfast, Lunch and merienda hanggang ngayon nga di pa ko gutom eh haha

After nung test nila nagcheck kami dun sa isang lab room at super nagmamadali lahat ng tao haha Kaya lang, super duper sayang kasi di namin napanood ung duet nina Kuya Carlo at Ate Jana ng mga Tagalog classics nakakatuwa ung practice nila super galing haha NaLSS nga ako kahit old song na yun haha grabe!! woohoo!! Idols haha

Mga bandang 1:30 - 2 pm nagpunta na kami dun sa room for finals. Nagproctor kami at ang naassign sa akin ay Xavier. Akala ko lahat ng taga-Xavier maaangas and mataray so hindi ko sila kinakausap pero I don't think they cared haha Tapos, ayun nagsimula na ung Biotech Finals. Nakakatawa talaga kasi hindi ko alam ung ibang mga tanong haha

After a while, chinicheer ko na rin ung prinoproctoran ko haha ganun ako eh pagnagpoproctor haha nung TsaMBBahan din ung MaSci group na prinoproctoran ko chinicheer ko rin hehe

7th place ung mga taga-Xavier.. pero super ok lang un kasi I found out na 2nd yrs lang sila.. HALLER!!! 2nd YEARS?!! haha nashock ako eh normally seniors ang sinasali sa ganun haha So malaki talaga ung chance nila dapat sumali sila ulit next yr or next next yr haha

Nung nagaaward na lang at nagpapapicture picture ung mga winners, kinakausap ko ung mga prinoctoran ko kasi dapat "ipromote ang MBB as a course" haha deh joke lang haha feeling close lang talaga ko sa lahat ng mga prinoproctoran ko haha

Tinanong ko kung anong year na sila. Grabe dudes, 2nd years pa nga lang sila. Tapos nalaman ko na 15 pa lang sila haha nakakatawa super violent reaction ako haha sabi ko "I'm fifteen!!" grabe haha nakakatawa kaage ko lang sila hahaha violent reaction din sila haha kasi naman daw College na ko haha nun ako naconvince na dapat 2nd yr pa lang nga ako haha

Tapos basta inasar ako ni Kuya Juanchi afterwards haha nakakatawa pero alam naman naming joke joke lang un eh hahaha di ba P.P.? hahaha =))

After ng everything, nagpicture picture ung mga MBBS sa may lobby and super ingay at super saya haha tapos nagMcDo kami ni Gihan afterwards kasi nagMRT na si Cecile..tapos after, umuwi na ko.. :D

oo nga pla.. natatawa ko talaga dito: origene!!! hahahaha =))

Wednesday, September 12, 2007

CHEM and BONDING (with buddy)

Tuesday night: "Oh no!!! Kelangan mag-aral ng Chem!!"
After 2 hours.. tulog.
3:00 am: "Oh no!!! Kelangan mag-aral ng Chem"
After 1 hour... tulog.
5:30 am: "Siomai!!! umaga na??!! Huwat?!??!! wala pa kong alam sa chem!!!"
After 30 mins... tulog.
6:30 am: " Wadaher!!! 6:30 na??!! Oh no!!! Praticals pala sa PE!! Bawal malate!!!"
8:15 am dumating ako sa Power up na sobrang haggard kasama ang aking best friend na si Whitten haha Grabe uber ako sa malas talaga. Nung first meeting, ako ung unang pinagtraverse tapos kanina ako ung third na pinaakyat out of 40. Grabe ang swerte ko noh haha pero buti na lang kasi hindi ako masyadong ninerbiyos kasi naman hindi pa nagsisink-in sakin eh ahahaha Pero well, buti na lang umabot ako ng fourth panel hehe.. :D

AFter nun, dumaan muna ko sa Kalay para personal na igreet si cecile ng Happy Birthday at para hiramin ung camera for buddy bonding. Ayun magkasabay kami ni AJ pumuntang Kalay tapos tumakbo na ko papuntang Romulo Hall kasi naman 11:15 na eh 11 ata ung sinet namin na time ng buddy ko. Akala ko nainis na sya at umalis kasi hindi sya nagrereply pero I found out later na wala lang syang load haha. Ayun so sumakay na kami ng jeep papuntang SM North. Ang INGAY ko pala grabe!!! sobra!!! hindi ko naimagine na super ingay ko, feeling close, makapal ang mukha at walang hiya haha grabe talaga.. sobrang hindi talaga ung usual na me haha Pero buti na lang nga maingay ako at inaaway-away ko ung buddy ko para fun at hindi naman uber sa boring ang buddy bonding hehe. Tapos dumating na kami sa SM at syempre di namin alam kung pano pupunta sa Trinoma galing sa SM )hindi pa kami nakakapuntang Trinoma ever eh haha) so nakigaya na lang kami sa mga taong tumatawid haha Tapos after mga 15 mins ng lakad at pagdedecide kung san kakain, sinabi ko na gusto ko sa Tokyo Tokyo kasi wala lang haha un kasi ung sabi ni Cecile eh hahaha tapos ayun order tapos kain. Picture ng konti pero super malas talga at naubusan ng battery. The Best!! So ayun usap usap muna bago kumain. Grabe nagisa ko sa questions about love life churva na un ah eh wala naman ako nun... di ba???? So antagal talaga bago kami nagstart kumain tapos wala na-hot seat talaga ko ng buddy ko nakakaewan ung mga tanong haha pero ang weird kasi ako dapat ung nagtatanong di ba?? kasi ako ung may kailangan ng info sa interview haha pero well....wala talaga kong naisip itanong eh ahahha Grabe.. nwalan ako ng gana kumain at less than 1/2 lang ng order ko ung naubos ko haha Anyway.. ayun tas bumalik na kami sa UP. Fun ung buddy bonding pero na-shock talaga ko sa ingay ko haha eh di naman kami close nung buddy ko haha feeling lang talaga ko haha oh well :D

Ung chem exam ay ok naman. Sana pumasa ko. :D Sobrang focused talga ko sa test kanina kasi naisip ko super high level ng buddy kaya kelangan galingan ko rin para di naman nakakahiya sa kanya hahaha pero effective naman yata ung thinking na un haha

Grabe interview na bukas at wala pa kong costume!!! hindi pa ko nagmememorize!!! hindi ko pa napiprint ung pics ng mga tao tapos di ko pa tapos ung sig sheet... hhhuuuwwwattt!!! oh no!!!

Any OH, ok lang yan bahala na haha God bless!!! :D :D :D

Saturday, September 8, 2007

Exhausted

hhhhooommmyyygguuullaaayyy!!! alam nyo ba???!!!! ako ung nag-iisang person sa wednesday na magpapainterview sa apps for MBBS??? alam nyo bang mamamatay ako... dahil:
1. hindi pa kami nakakapagbuddy-bonding ni kuya juanchi... oh please save me..
2. wala pa kong mythical creature costume.. kahit idea lang
3. HINDI PA KO PREPARED!!!!
4. BANO AKO SA ENGLISH!!!naiiyak na talaga ko. Seryoso to.

at alam nyo ba... mado-double-dead na ko if ever kasi:
1. Nagising ako ng 5:30 am na late na kasi 6:#0 kami magkikita ni cecile sa kalay at dapat 6 nakaalis na ko sa bahay.
2. Sumali kami sa Fun Run which was sobrang nakakapagod but still fun.
3. Right after Fun Run, dumating si Kuya Beng at sinabing late na ang MBB for Scavenger Hunt Nagmadali kami papuntang CS tapos walang tao dun hinintay pa namin ung CSSC people na dumating. Tapos panalo na daw ung chem kasi sila lang ung dumating on time at default na ung ibang insti tapos ayun nagScav Hunt kami pero bawal ang kotse. Tapos ang weirdo nung games. Ung una, tatawagan mo ung isang cellphone number pero bawal ang cellphone kaya kailangan gumamit ng payphone tapos ayun sabi daw punta sa Sunken. Tapos dun sa Sunken hindi pa muna namin nakita ung representative eh HALLER ang laki laki ng Sunken noh. Any OH, nakita rin namin sya at ung pinagawa ay isang paper plane gawa sa dyaryo na dapat lumipad for 6 seconds. Grabe hindi namin un nagawa kasi 6 SECONDS?????!!! oa.. si Kuya joshua pala ung gumawa nung task. Tapos ung sumunod na clue sa University Hotel naman tapos sabi pumunta daw sa AMpitheater. Sa Ampitheater naman, si AteTeresa gumawa nung task which was hanapin ung isang half popsicle stick na may sulat na MBB at nakabaon ng konti dun sa grass. Grabe hindi rin namin nagawa Bio lang ung nakahanap. Tapos naglakad naman kami papuntang anu yun Teletubbie land/ walk ewan basta dun sa may likod ng CS tapos pinagawa naman ng Paper boat na dapat hindi magsink dun sa canal. After the airplane, paperboat naman oh di ba!! Si Kuya Joshua rin gumawa nun. Nagawa namin un!!! yey!! tapos pumunta kami sa CS Lib para magpaprint ng isang post ng isang blog ata ng tao na clue ung nakalagay. TApos sa MAth ung pinakalast task: bibilangin mo ung words dun sa isang sheet of paper pero may iba syang definition ng word kahit ano daw na magkakadikit na characters na separated ng space to other words. Bottomline, NIMBB ung unang nakabilang nung words na tama kasi ung isang Kuya dun ung nagreact nung makita nya na 351 ung sagot namin sabi nya malapit na daw. So sabi ko, Ate Teresa hulaan na lang natin - ung numbers na close sa 351. Ung una naming pinahula 352. Mali. Tapos 350 naman. TAMA!!!! HUWAW!!!! sayang talaga kung umabot kami dun on time sa CS kaso nagoverlap with Fun Run. Happy pa rin naman. :D
4. Tapos right after nun diretso naman kami sa Albert Hall kasi cheering na, mga 11:30 na ata nun tapos 1 ung cheering. Ayun tapos practice practice ng cheers. Pagdating dun sa gym, Chem at MBB lang pala sumali sa Cheering. Panalo daw ung Chem. TApos Overall champ din sila sa KaSCIyahan.. nakakasad kasi ilang years na ring over-all champ ang MBB tapos ung batch namin ung kapapasok lang diba.. eh di parang ang konti ng tulong namin kasi maraming nadefault na games eh.. Sad pero well ok lang yan. dapt kasi November na lang talaga ang KaSCIyahan eh ayon nga kay Ate Jade bakit kasi pumayag silang imove nakakainis na nga ung ibang mga chorvang people sa ibang insti na masyadong demanding pero kasalanan din namin kasi pumayag kami. PEro oh well,,, tapos na yun.
5. Right after ng cheering ng MBB, umalis na ko at tumungo sa POWER UP para magsports climbing. TAke note: wala akong sinabing nakapaglunch na ko. Grabe. Sobrang hindi na ko makahang sa holds masyado pero ok na rin kasi natry ko ung Into the Woods. Fun pa rin kasi kasama ko si Kimmy at sabay kami umalis ng gym. Kumain din kami ng Calamares sa daan haha
6. Pag uwi ko sa bahay sobrang exhausted ako. Nung nagdidinner nga kami ni mama tinanong nya ko kung bakit super pagod daw ako. At nagiguilty talaga ko kung magbobowling ako bukas. GUSTO ko talaga pero hindi naman kasama si Kuya Juanchi kaya mao-OP lang ako kasi wala akong buddy. Ano kayang gagawin ko???? please type your answer sa tagboard heheI ould really appreciate it if you do. :D
7. Hindi ako nakapagsimba eh birthday ni Mama Mary. Grabe!!! I forgot!!! saaadddd

Sobrang nakakaiyak na tlaga lahat ng bagay na nangyayari sakin. Hindi naman ako makapagreflect masyado kasi nga ang daming gagawin. WWWaaaahhh hindi ko na talaga alam gagawin. Please help me. :( God Bless!!!

Sunday, September 2, 2007

Another sad post

Grabe.. napakasad talaga.. nagkaproblema sa bahay namin. Akala ko kasi pinayagan na ko pumunta sa Batangas this sunday kaso hindi pala. Nagagalit ung mom ko kasi responsibilidad daw nung friend ko sa Tanglaw na ipaalam ako kasi mas matanda sya. Eh akala naman namin ako lang ung magpapaalam. Ayaw nung mom kong makipagkaibigan pa ko sa kanya. Sobrang sad talaga pero dapat kong sundin kasi nasa care pa ko ng parents ko eh. Kaya idadrop ko na ung ORI, virtues class/future circle and anything connected to Tanglaw. Siguro once a month na lang ako dadaan. SAd talaga pero naiintindihan ko naman ung mom ko kasi sobrang napapagod talaga ko. Naaapektuhan din ung academic performance ko at lalo na hindi na ko nakakatulog ng maayos. NAglalagas na nga ung buhok ko eh dahil yata sa stress haha joke.. Pero seryoso talaga, dapat ko nga sigurong ipriotitize ung studies ko kasi un naman ung responsibility ko ngayon kasi bata pa ko at pinag-aaral ng parents ko. PAg graduate na ko siguro magpo-pursue ng mga ganung bagay pero magbabasa pa rin ako ng religious books para naggogrow naman ako kahit mag-isa lang ako. Bahala na si God.

ANyway, naglaro ako ng sungka nung saturday. 2 wins one loss.. pero bale 3 wins kasi nanalo si Kuya Joshua dun sa sungka game bago ko naglaro. WWWOOOO Go MBB!!!! hehe kaso sad ulit... kasi ako lang mag-isa nung hapon na kasi umalis na si cecile syempre kelangan nya magayos ng stuff aksi pupunta syang homecoming.. sana pumunta rin ako haha Tapos ayun nakaupo lang ako sa bench naghihintay ng next game. Medyo nairita kasi ako haha kasi ung kalaban kong isa..super tagal tumira. Tumaas talaga presyon ko sa kanya haha Ang alam ko kasi.. bawal magbilang. Kung magbibilang ka man siguro for 10 seconds lang eh sya grabe mins yata sya nagbibilang ng tira nya. Tapos tinakpan pa nya ng thing ung mga sunog nya eh ung point nga nun pagmay nahulog dun sa kalaban mapupunta. Any OH.. haha umiinit lang uli ulo ko sa kanya tama na nga. Ayun GO MBB!!!! ang saya nung dodge ball na weird hehe GO ATE ANDOI!! hehe After nung sungka, tinawag ako ng isang upperclassman tapos nagusap ng konti tungkol sa cheering eh sobra sobra sobrang late na ko sa appointment ko sa dentist grabe 1 buwan na yata kong di nagpapacheck up kasi sobrang busy ng schedule ko (siguro nakikita rin ng mom ko na hindi na ko nakakapagpahinga at namimiss ko na ung ibang appointments dahil sa ibang mga bagay). Tapos tinanong nya ko kung magpapalift daw ba ko.. mag-iisip pa sana ko kaso parang naiirita ata sya kasi nag-iisip pa ko.. um-oo na ko.. sobrang nasad talaga ko aksi bakit ganun.. un ung unang beses na may hindi magandang bagay akong nakita sa upperclassmen pero ok lang kasi tao rin naman sila pero nakakasad lang talaga kasi sobrang frustrated an ko nung araw na yun. Tapos pag-uwi ko pinagalitan pa ko kasi gabi na ko nakauwi.

Nung huling thursday pala pinagalitan din ako kasi gabi na ko umuwi tapos tawag nang tawag nang twag si Ate Berna eh dapat magkasama nga kami sa ORI di ba. Eh magkasama naman talaga kami at maaga talaga kami natapos kaso nalock ung gamit ni sir taf sa bio unit eh syempre kasabay ko dapat sina cecile at gihan umuwi kasi takot ako sa pedicab eh di dun kami sa other side papuntang UP dadaan. Grabe tlaga sobrang nakakadown tong week na to.

Sobrang namomroblema pa ko kasi nawawala ung Form 5 ko eh kelangan un para makuha ko ung stipends ko sa DOST kasi wala pang copy ung sa DLRC. Umiyak na talaga ko kahapon kasi sabay sabay lahat ng bagay. Buti na lang!!! Thank GOD tlaga!!!! nakita ko kanina na may photocopy pala ko nung Form 5 ko. THANK YOU, LORD!!!! :D

SOrry nga pala Cecile kung sad post to ah.... :(
Hiyas, sorry rin kasi di ako nakareply sa e-mail mo kasi super busy nga tlaga ako... sorry... ingat ka!! miss you!!! :D

Problema na naman ung cheering practices kasi late na naman ako makakauwi eh hindi nga kami nag-uusap masyado ng mom ko ngayon. Naiiyak na talaga ko sa lahat ng bagay. PEro I still trust You and I love You. Alam kong may purpose lahat ng to kasi hindi Mo naman to papayagang mangyari kung hindi rin sa ikabubuti ko. Please guide me. :D


oo nga pla.. sana ok lang ung dad ko sa Darfur. Di pa uli sya sumasagot ng e-mails namin eh sad.. sana ok lang sya :D

Oo nga pla.. may fun din na nangyari nung friday. Dumaan kami ni Gihan sa Vinzon's para tingnan ung bagong mga scholarships. Tapos nakakatawa talaga. KAsi may isa lang kaming nakitang applicable sa min. Pero hindi na rin ako mag-aapply nun kasi malabo akong matanggap kasi 1 lang ung pinipili nila per scholarship. Tapos pumasok na kami ni Gihan. Sabi namin ung UPAA something scholarship po. Parang napasmile sila sabi ni la member kayo ng cultural minority? hahahhahahah nakakahiya talaga tapos labas kagad kami ni Gihan. Hindi kami makapaniwala kasi wla namang nakasulat dun sa description. Un pala andun sa title.. UPAA blah blah Scholarship for Cultural Minorities muhahahaha grabe tlaga tawa kami ng tawa ni Gihan hahahahha

any OH.. God Bless!! :D

Saturday, August 25, 2007

CHEER!!!!

As I promised to Cecile (habang nag mamarathon kami papuntang Ayala Heights haha), magpopost ako ng mahaba-haba haha.. ayun.. haha
The day before, napagusapan naming ni Gihan na 7:30 kami magkita-kikita sa Kalay kasi 8 dapat ung games per owell 9 pala kaya sabi ko 8:30 na ko makakarating hehe. Tapos, nalate naman ako hehe mga 9:10 na ko dumating sa kalay pero nadiscover ko naman ung short cut from gym to kalay haha.. Tapos ayun nagjeep kami papuntang Park 9 tapos medyo hirap pa kami magdecide kung san kami bababa haha. Pagdating naming sa Park 9 ang konti ng tao (not as we expected hehe) pero un pala kasi may exams ung seniors tapos ayun nanood kami ng men’s basketball game pero well talo ata kami hehe pero ok lang un GO MBB!!! Hehe tapos pumunta kami ni Cecile sa Ayala Heights para sa badminton mixed pero well sobra sobrang haba ng nilakad namin. Akala ko kasi dun sa gate 3 un pala sa Gate 1 pa eh magtatricycle pa papunta dun grabe akala namin ni Cecile super layo na nangdinaanan namin un pala pagdating namin sa Gate 1 malayo pa tapos kinuha ung IDs namin dun. Lakad naman kami papunta daw dun sa isang guard sa dulo. Biglang may deceiving sign na nakasulat Clubhouse (tuwang tuwa naman kami ni Cecile) pero nagtanong kami tapos sa baba pa daw un tanungin daw naming ung susunod na guard. Tapos nung nakita naming ung guard nilokoloko nya muna kami na giniba na daw ung Badminton Court tapos umiinit na talaga ung dugo ko nun eh hehe eh kasi naman ang layo ng nilakad namin ni Cecile tapos wala lang pala. Pero jinojoke lang pala kami nung guard haha tapos nagcocontemplate na talaga kami ni Cecile kung babalik na lang kami sa Park 9 or tutuloy pa tapos may dumating na savior – ung driver nung golf car (or whatever you call that haha) tapos ayun sabi ni kuya guard na ihatid na nya lang daw kami dun sa may badminton court kasi dun din naman sya ata pupunta. Tapos yey!!! Sinakay nya kami ni Cecile niloloko pa rin kami ni manong guard na 7.50 daw ung bayad hahah Nagpauto naman kami ni Cecile haha pagdating sa court tinatanong naming kung magkano uli ung bayad muhahahahaha tapos si Den lang ung nadatnan namin dun grabe talaga.. Sobrang sad na kami ni Cecile nun kasi buong umaga na kaming nagtatravel eh super traffic pa dun sa may MWSS – Old Balara. Tapos ang galling pinahatid kami ni Den sa driver nya kaso ung ID ni Kuya driver eh nasa Gate 3 tapos ung samin ni Cecile nasa Gate 1 eh di kinuha muna ni Kuya ung ID nya sa Gate 3 tapos pumunta kami sa Gate 1 nung pabalik na kami papuntang Katips.. GGGRRAAABBBEEE talaga ung traffic!!!! Sobra!!!!! Mga 30 mins from labas ng Gate 1 – Gate 3. Kailangan pala sunduin ni Kuya si Den ng 12 eh 11:45 na nun nung makarating kami sa may Romulo Hall kaya bumaba na kami ni Cecile at naglakad papunta sa sakayan ng Katips. Tapos sobrang sakit talaga nung tiyan namin sa gutom kaya dumeretso na lang kami sa KFC at kumain ni Cecile forever. Tinext ni Cecile si Gihan na hihintayin naming sya sa KFC pero dumating na sina Ate Andoi at natapos na sila kumain hindi pa rin sya dumadating pero ok lang naman no problem hehe tapos sabi naming sa Park 9 na sya dumeretso. Ayun1!! Ang FUN FUN magcheer kapag andun ung seniors haha ang happy nila haha
Nung first half, hindi pa masyadong nagshisheer ung MBB.. Score ata is 34 Chem – 15 MBB tapos ayun cheer cheer talaga nang sobra sobra as in.. Madidifferentiate nyo ung sigaw ng Chem sa MBB kasi ung sa Chem mababa at malalim ung sigaw nila kasi mga lalaking players ung nagchicheer pero ung MBB naman super TINIS ng boses naming grabe talaga as in to the highest note haha Ang FUN FUN TALAGA!!! ang saya magcheer!!!! hahaha
tapos volleyball games na.. dumating si sir!!! nalaman namin ung results ng GRE nya..hindi ko alam irereact hehe NaOH (pronunciation: parang anyway haha) ayun naglaro si sir ng volleyball grabe ang hyper ah haha infairness magaling sya magvolley hehe pero pagchinicheer namin sya nina Gihan either out ung serve nya or net haha may bad vibes siguro kami haha nanalo ung MBB sa first game kaso di na namin napanood ung third game kasi mga 5 na nagstart eh dapat uuwi na ko nun hehe.. tapos dapat kakausapin lang namin sandali ung buddies namin ni Gihan kasi ung buddy ni Cecile, si Ate Teresa wala dun.. Ung buddy ni Gihan si Ate Jade at ung buddy ko si Kuya Juanchi. Pinag-usapan namin kung pano kami magkocomplexation hehe or magbabuddy-bonding hehe grabe ineexpect ko ang formal lang ng usapan namin kasi di pa naman kami close ng mga buddies namin (pero syempre gusto namin silang maging close hehe).. un pala super ingay ng discussion namin hahaha as in!! nasa may gilid lang kami ng court tapos nagge-game na ng volley pero super duper ingay talaga namin hahaha nasaway nga kami ni Kuya Kent eh haha (sya ung tumitingin sa line haha di ko alam tawag haha) grabe haha ang HAPPY HAPPY nung usapan namin haha Si Ate Jade at Kuya Juanchi ang lakas mag-asaran hahaha NaOH, napagkasunduang sa Sept 2, Sunday, Bowling kami sa SM North 10 am hehe feeling ko talaga magiging FUN un haha pero sa susunod talaga magbibitbit na ko ng two pairs of boxing gloves for kuya juanchi and ate jade hahahahaha joke ;p
Ayun tapos pumunta kaming Kalay at nagpaphotocopy ng Chem Manual tapos umuwi na ko grabe umuulan.. tapos SSSUUUPPEEERR traffic talaga!!! mga 7:30 na ko nakauwi.. buti na lang di ako napagalitan hehe thanks MOM!! hehe
oo nga pala.. my dad is leaving tomorrow... aaawww Bye Dad!!! Ingat!!! God Bless!!! haha

Thursday, August 23, 2007

2 araw na bored...

Kahapon.. Aug. 22,2007..
hindi ako nakapagpost kahapon kasi ang bagal bagal ng internet namin haha anyway, ung importanteng mga pangyayari na lang.. Basta eto ung highlight ng araw namin: Pinagalitan kami ng paulit ulit nung librarian sa CS lib. Hindi naman kami super ingay eh kasi maingay naman lahat ng tao dun tapos kami ata ung pinagintirisan kasi medyo maingay kami nung una pero nung pangalawa at pangatlong saway nya tahimik na nga kami eh nagtatanong na lang kami once in a while tungkol sa chem problems na sinosolve namin. ACtually, ang maingay nung mga panahon na un ung table sa tapat at gilid namin eh since pinag-iinitan kami nung librarian grabe talaga bumalik pa sya tapos sabi nya palalabasin nya daw kami pag hindi pa kami tumahimik tapos tinanong pa kung saang college kami daw.. edi sabi namin college of science tapos tinanong nya ung institute.. sabi namin MBB tapos sabi nya.. hala magdodoktor pa naman kayo.. tumaas ung kilay ko.. Aba kelan pa naging MBB = preMedicine ONLY???!! ang oa talaga..

ung chem patalo rin pala.. babagsak siguro ko dun... aaawww oh well.. sana makabawi ako!!! Go tin!!!

anyway, tama na yang rants na yan haha moving on... nyahahaha

Today.. Aug. 23, 2007
Uhm nothing important happened today haha hindeh!! meron naman hehe Nakatambay na kami ulit after mga two weeks ata. Sobrang every week kasi ung exams namin eh haha. Tapos next week Math midterms naman (Wednesday) at sa saturday next week, MBB LT naman.. uh-oh kelangan ko tlaga mag-aral magsisimula ako mamaya haha I NEED TO STUDY!!!! haha Go tin!! :D
Nagpainject ako ulit today ng Rabipur (ung antirabies gamot ko hehe) may tig-three red marks na ung sa may baba ng shoulder na part ng arm ko haha ang labo haha may students ata ng FEU dun sa hospital tapos sila ung naginject haha tapos tinanong ako nung nanay ko.:Mas masakit ba nung sila naginject? Sabi ko: Ha? may difference ba? basta injection masakit haha pilosopong bata nyhahahaha
ayun wala masyado talagang nangyari today haha
oo nga pala. isang tulog na lang G.R.E. na haha go sir!!! :D

Tuesday, August 21, 2007

Back to School

Ngayong araw na to, balik na naman sa normal school days. Grabe, hirap na hirap ako gumising kaninang umaga, eh kasi naman anim na araw walang pasok noh haha Buti na lang hindi naman ako late sa math at halos half-day lang kami kasi walang kuryente sa chem therefore, no chem lab and lec woohoo!! haha buti na lang talaga kasi super inaantok ako talaga today eh haha Nagsit-in pala ko ngayon sa short lab nina gihan at cecile tapos ang galing masnaintindihan ko kung anong pwedeng mangyari sa qualitative analysis .. ung significant at insignificant haha sana maging okay ung qualitative tests namin next week grabe dapat ma-uno ang chem 16 kasi 5 units un eh haha oo nga pala, may long test kami bukas sa chem ung chem long test na super paulit-ulit minove dahil sa suspension of classes haha tinatamad na nga ko mag-aral eh kaya ngayon nagpopost na lang ako sa blog ko haha at after nito.. matutulog na ko.. bukas na ko mag-aaral ulit haha
Tapos after chem, pumunta lang kami sandali sa kalay tapos nag-Pisay na kami haha kukunin namin dapat ung paper na napasama dun sa invitation for Biotech Quiz Bee.. nakuha nga namin kaya lang naiwan ko naman ung lab manual ko hahaha well ok lang yun sana makuha ni sir haha tapos bumalik kaming UP kasi uber hindi pa daw nagbebreakfast and lunch si sir kaya ayun nagRodick's (tama ba spelling nito? hahaha) kami tapos kumain si sir ng 2 rice and 2 ulam haha lunch and breakfast nga hahahaha
Tapos bumalik kaming kalay para mag-aral kaso maingay pero wala namang ibang place na malamig so dun na lang kami.. grabe lahat kami inaantok haha tapos nag-aral kami occassionally haha tapos dumating sina krisha, lester, jane and jami.. tapos ayun stuff stuff tapos dumating ung sundo ni krisha haha bagong dating ata ung aunt nya tapos pinapalo nya hahahaha nakakatuwa tingnan hahahaha peace, krisha haha tapos ayun after a while umuwi na rin kami nina lester and sir.. tapos nagseparate kami sa may sc at umuwi na ko haha tapos ayun wala lang umuwi na ko hahahangayon.. andito ko sa bahay at nagpopost sa blog imbis na mag-aral hahahaha sana sipagin ako mag-aral haha
** ung continuation pala nung list ng kamalasan ko hehe next time na lang kasi baka mag-aaral na ko sa chem.. baka lang hahahaha..un lang haha sige God Bless!!! :D

Monday, August 20, 2007

G.R.E. ... at day!! ;p

huwat!! haha ang bano nung title nyahaha anyway, ;p
***
Holiday today pero well umalis pa rin ako ng bahay kasi maggugroup study kami nina cecile at gihan at sasamahan na rin namin si sir taf magreview for G.R.E. (Graduate Record Exam) - sa friday na kasi un..
To Koya: (as if naman nababasa nya to haha)Hi koya!! :D Super kaya mo yang G.R.E. mo!!! nag-aral ka naman ng sobra eh.. hehe saka kalimutan mo na yang test anxiety mo haha basta breathe and focus!!! woohoo!! kaya mo yang goal mong 700!! haha ang weirdo ko nyahaha you have nothing to worry about, hehejust trust in Him.. GOD BLESS!!! :p
grabe nadrain kaming lahat hehe pero ok lang kasi worth it naman lahat hehe Koya, thank you po pala sa cello's doughnuts hehe

***nakausap ko pala si hiyas kahapon and super fun!!! kasi nakausap ko sya uli after such a long time hehe pinag-usapan namin ung problems namin like - many people treat us as super young therefore immature eh hello naman 2 years lang yata gap ko sa ibang tao.. ay ewan hehe pero well bahala sila kung anong gusto nila basta ako.. ako. hehe laboTo Hiyas: Hi hiyas!!! goodluck sa classes mo!!! malapit na un!!! I-email mo lang ako pag may gusto kang sabihin ah hehe Lav yah!!! Ingat ka parati!! God Bless!! :D

***ay kanina.. grabe nagpanic ako kasi pumasok ung mr........... sa KFC eh naglalunch/nag-aaral kami nina cecile, gihan at sir taf.. eh ayun.. grabe na naman reaction ko hahaha as usual kasi tawa ko nang tawa hahaha .. eh kasi ganun naman talaga ko.. kung ano ung nafifeel ko ginagawa ko hehe naalala ko tuloy nung speech sa comm 3 eh ayun sobrang feeling ko after nakakahiya ung speech ko haha kasi un nga kung ano tlaga ung nafifeel ko at that moment pinapakita ko hehe - kung gusto kong tumawa mag-isa, magjoke ng corny, magmadali kasi over na ko sa time limit, etc.. haha anyway, akala ni sir taf at feeling ko akala din nung upper years ako ung may crush dun sa mr........ haha nakakatawa talaga haha pero let's just leave it that way haha bahala sila nyahahahahahaoo nga pala, for clarification.. may ibang taong may crush dun pero secret na namin un haha

***wala na kong maisip sabihin bukod sa super happy ng araw ko hehe pero oo nga pala, please pray for my dad hehe may problema pa rin sa flight nya huhusige, hanggang dito na lang.. God Bless!! :D

***oo na pala ulit.. wala lang haha Koya = rancorous, Tin = irascible, Gihan = garrulous, cecile = taciturn... hahahaha super joke lang tong mga nakasulat hahaha puro super mild versions lang naman kami nyan haha

Saturday, August 18, 2007

Ate Ka's Bday

Birthday ng Ate ko ngayon!! 21 na sya yey!! ang tanda na nya hahaha joke lang ang happy malapit na syang magtrabaho.. wish ko lang para sa kanya matupad lahat ng goals nya sa buhay haha madaming pangarap un eh hahaha naaalala ko dati bago kami matulog nagkekwentuhan kami ng mga pangarap namin sa buhay haha sya: maging CPA, then maging magaling na abugada, tapos makapagtravel sa mundo, maging super yaman, magpatayo ng foundation at syempre maging HAPPYako: makagraduate ng MBB, magmasters sa states, magPhD, magtrabaho sa states or Europe, malibot ang mundo, maging mayaman, mafulfill ung Purpose ko, magpatayo ng foundation kasama ng ate ko, makatulong sa mga tao, maging Happy kaming lahat ng family ko, friends ko saka lahat ng tao sa mundo. yey!! hahasana magkatotoo ung dreams nating lahat!! yey!! I'll pray for all of us!! :DHalos isang linggo pala kaming walang pasok ang galing hehe pero sana tumigil na ung bagyo kasi kawawa naman ung mga oa na sa baha. Saka ung dad ko ay may hinahabol na flight kaya sana walang bagyong dumating next week hehe. Nakakamiss na rin ang school kahit na honestly, hindi ako ganun kasaya sa school. hhaayy iiwasan kong maging sad ung post ko na to hehe pero pagpasensyahan na lang hehe. Baka nahihirapan lang talaga kong magadjust sa paligid ko. Oh well that's life hehe Ang dami ko palang dapat gawin taops wala pa kong nagagawa haha 1. Chem Post Lab2. review for Chem3. Review for Math4. Research Heaven, Hell, Purgatory for ORI5. Research Plant Biotechnology6. MBBS Sig Sheet7. Obscure Mythology questions for TsaMBBahan (actually nagawga ko na un pero nakakahiya magsubmit kasi baka madaling sagutan eh hehe kaya maghahanap pa ko.. ;p)8. Topic for Speech to Convinceung post lab pa lang ung nagagawa ko saka konti nung no. 5 and 6. hehe Good luck naman sakin haha pero gagawin ko ung iba bukas saka sa monday hehe dapat matapos ko lahat kasi ung nag-iisang sure ako na goal ngayon eh mag-aral nang mabuti!!! go tin!! hehe
ay wala lang ililist ko ung mga kamalasan /a accidents na nangyari sakin haha naalala ko lang kasi pinagtatawanan ako ng family ko kasi ang accident-prone hahahaha1. nung bata pa ko nahulog ako sa hagdan habang naglalaro ng mummy-mummy kasi iniiisip ko: "ano kaya mangyayari kung pumikit ako mahuhulog kaya ko?" haha tapos ayun nahulog nga ako hahaha at un ung reason kung bakit may scar ako sa forehead ko hehe tapos ang sinisigaw ko daw nun hindi masakit, sabi ko: Hindi ako makakita hahaha hysterical talaga ko kahit nung bata pa eh 2. nagField bio kami at umuwi ako dito nang may band-aid sa noo haha kasi nakaskas ung ulo ko sa may cabinet sa may Taklong Is. haha3. nahuli ung pedicab na sinasakyan ko at nahulog ako sa gitna ng daan hahaung rest nung list itutuloy ko sa next post ko hehe dahil matutulog na muna ko hehesige hanggang dito na lang muna. God Bless!! :D

Friday, August 17, 2007

Aug 17, 2007..
and sad naman kasi inaabangan ko pa naman ung youth camp tapos hindi naman ata natuloy at hindi rin naman ako makakapunta if ever. Kelangang kelangan ko pa naman ng camp ngayon hhaaayy. Ang weird na naman kasi ng temperament ko. Ang bilis kong mainis or mairita. Ewan. Sobrang sama na naman ng ugali ko. Gusto kong ibalik ung ugali ko dati na kahit papano aware ako sa mga mali ko tapos tinatry kong baguhin pag alam kong mali ako. NGayon kasi parang ang useless talga ng mga ginagawa ko parang walang point. Alm ko kasi dati, ung purpose tlaga ng buhay ko para magserve sa Kanya pero ngayon parang ang sama sama ko na kaya hindi ko na magawa un. Tapos ang bilis bilis gumalaw ng oras at hindi man lang ako makapagreflect ng matagal. Gusto ko ng youth camp. Hindi ko naman pwede kasing patigilin ung oras para icompose ko uli ung sarili ko. Alam mo ba ung feeling ng walang patutunguhan ung ginagawa mo? pero hindi mo naman pwedeng itigil ung buhay mo para makapagisip ng malalim sa mga dapat gawin mo. Tapos ngayon ko talaga nafifeel na super importante pala sina lou, jasper, liean at hiyas sa buhay ko, Sobrang parang superficial lang ung happiness kapag alam mong hindi mo kasama ung mga taong kilala mo talaga at kilala ka rin. Parang nag-iisa na lang ako. Pero sabi nga ni lou, baka naninibago lang ako sa paligid ko kasi sanay akong sila parati ung kasama. Siguro tinututuan ako ni Lord magadjust sa paligid ko pero parang ayoko kasi masaya naman ako pag kasama yung old friends ko eh nakakatakot na baka pagnagkita kami ulit ibang tao na ko. Pero hindi ko nga naman kailangang magbago na maging bad dapat magstrive akong maging good person. Tama. Sana maintindihan ko ung sagot ni Lord sa mga tanong ko kung bakit hanggang ngayon parang ang empty pa rin. Sana may isend Siyang person para tulungan ako although sigurado naman akong gagawin nya yun. If ever may person na nagbabasa nito, pasensya na sa present post at mga future posts sa blog na to. I'm just an ordinary person who is seeking a purpose. God Bless! :D