Saturday, April 12, 2008

Ice Skating! :D

Nagblock bonding kami ngayon! :D nagmeet kami ng 10:30 ni gihan sa Mcdo QAve pero as usual nalate ako pero konti lang naman hehe :) Tapos nagmrt na kami papuntang mega mall pero nauna samin si Leonard! nakakahiya naman kasi sabi ko sa kanya kahapon maaga kami dadating ni gihan kasi dapat mga 10 kami magmmeet ni gihan tapos text nya kami pagandun na sya..pero nauna pa sya! hehehe Tapos naghintay kami ng 10 years sa may food court ahaha oa naman un haha :)) pero dumating naman sina flo, jolo, mikael, den, joseph, ben at cecile..:D Ang daming nakain ni flo at jolo ahaha :)) at parang babae ung kamay pala ni jolo hehe

Tapos ang tagal tagal naming nagisip kung magaice skating or magbobowling..kasi ayaw ni den magice skating kasi medyo weak ung knees nya tapos nagmahal na sila ng fees. Medyo ung una naming decision bowling na lang pero habang nagiisip dun sa may bowling area kung tama ba ung decision namin uminom muna kami ng free samples ng milo ahhahaha :)) Tapos narealize namin na gusto pala namin magice skating so nagice skating na lang kami pero di pwede si Den so umikot ikot na lang sya sa Mega..aaawww sa susunod sana kumpleto na ang block ahaha :))

SUPER FUN MAGICE SKATING!!!! grabe! ahahaha =)) Pero masakit ang throat ko kakasigaw ahaha :)) DALAWANG BESES ako nadulas at nahulog ahaha buti na lang tinatayo ako ng mga blockmates ko ahaha :)) yihee ang fun talaga..Nagkafriend din si gihan na 5 yrs old, si KC!! haha aliw talaga kasi nakikipagusap sya samin hehe.. nakapagbond din kmi dahil dun kasi naghahawakan kami para di madulas ahahaha =)) Kaso nagkablister si Joseph so lumabas muna kami at naghanap ng band-aid..Salamat kay Ben sa pagbili ng band-aid!! :D Si Leonard ay nadulas din at nagkasugat sa kamay so kinailangan nya rin ng band-aid :D Tapos nagskate uli kami at nung nagutom na kumain na muna sa labas hehe Tapos narealize namin na hapon na mga 5:30 na at kelangan nang umuwi so umuwi na kami :D Hinatid muna namin si Leonard sa parking area at ang galing nagdadrive na sya hehe tapos si mikael at cecile sabay umuwi ng Laguna at kami nina gihan, ben at joseph ay nagMRT..Si Ben bumaba ng Cubao at kami namang tatlo ay bumaba sa QAve..Si Gihan nagUP na jeep tapos sabay kami umuwi ni Joseph kasi parehas kami taga-Tandang Sora..Tapos chika chika sa jeep at paunahan manlibre ng pamasahe ahaha :)) Tapos ayun nakauwi na rin..:D Kahit masakit ang legs at likod ko super worth it naman hehe sana maulit kami magice skating!!!!!!!!!!!!!! hehe

sige, God Bless! :D