Ngayong araw na to, balik na naman sa normal school days. Grabe, hirap na hirap ako gumising kaninang umaga, eh kasi naman anim na araw walang pasok noh haha Buti na lang hindi naman ako late sa math at halos half-day lang kami kasi walang kuryente sa chem therefore, no chem lab and lec woohoo!! haha buti na lang talaga kasi super inaantok ako talaga today eh haha Nagsit-in pala ko ngayon sa short lab nina gihan at cecile tapos ang galing masnaintindihan ko kung anong pwedeng mangyari sa qualitative analysis .. ung significant at insignificant haha sana maging okay ung qualitative tests namin next week grabe dapat ma-uno ang chem 16 kasi 5 units un eh haha oo nga pala, may long test kami bukas sa chem ung chem long test na super paulit-ulit minove dahil sa suspension of classes haha tinatamad na nga ko mag-aral eh kaya ngayon nagpopost na lang ako sa blog ko haha at after nito.. matutulog na ko.. bukas na ko mag-aaral ulit haha
Tapos after chem, pumunta lang kami sandali sa kalay tapos nag-Pisay na kami haha kukunin namin dapat ung paper na napasama dun sa invitation for Biotech Quiz Bee.. nakuha nga namin kaya lang naiwan ko naman ung lab manual ko hahaha well ok lang yun sana makuha ni sir haha tapos bumalik kaming UP kasi uber hindi pa daw nagbebreakfast and lunch si sir kaya ayun nagRodick's (tama ba spelling nito? hahaha) kami tapos kumain si sir ng 2 rice and 2 ulam haha lunch and breakfast nga hahahaha
Tapos bumalik kaming kalay para mag-aral kaso maingay pero wala namang ibang place na malamig so dun na lang kami.. grabe lahat kami inaantok haha tapos nag-aral kami occassionally haha tapos dumating sina krisha, lester, jane and jami.. tapos ayun stuff stuff tapos dumating ung sundo ni krisha haha bagong dating ata ung aunt nya tapos pinapalo nya hahahaha nakakatuwa tingnan hahahaha peace, krisha haha tapos ayun after a while umuwi na rin kami nina lester and sir.. tapos nagseparate kami sa may sc at umuwi na ko haha tapos ayun wala lang umuwi na ko hahahangayon.. andito ko sa bahay at nagpopost sa blog imbis na mag-aral hahahaha sana sipagin ako mag-aral haha
** ung continuation pala nung list ng kamalasan ko hehe next time na lang kasi baka mag-aaral na ko sa chem.. baka lang hahahaha..un lang haha sige God Bless!!! :D
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment