Nagpunta kami sa Fontana sa may Subic kahapon hanggang kaninang umaga, yey! haha Ang weird ng feeling ko nung isang araw kasi hindi ko alam kung excited ako or natatakot kasi ung other side of the family ung kasama namin ng ate ko. Normally kasi ung mother side namin ung parati naming kasama magouting or get-together. Takot saka uneasy talaga ko sa relatives namin sa father side eh hehe kasi sila ung mga "rich" kaya di ko talaga sila close.. actually di ko sila kilala talaga kahit by name at sinong anak nino, sinong kapatid ni ano, etc etc. Kaya nagdecide na ko na tatahimik na lang ako forever at magprepretend na hindi nageexist pero imposible naman un haha kaya itatatry ko na lang na hindi mapansin haha.
So ayun, kahapon ng umaga sobrang ready na talaga ung gamit ko eh..super daming damit at sinaksak ko lang lahat sa 1 bag oh di ba hahaha Nainis talaga ko nung umaga kasi aalis na lang kami eh pinagsusuot pa ko ng sapatos ng ate ko kasi akala nya hotel ung sstayan eh ayoko nga ng shoes haha ang init init eh haha kaya in the end ako rin ung nasunod haha suot ko ung all-around brown slippers ko hahaha
Tapos pagdating namin sa bahay ng uncle namin binigyan nya kami ng pera haha nakakatawa kasi sabi nung mga pinsan namin sila daw hirap humingi ng pera kay Uncle haha Mabuti na lang madalang lang kami magpakita sa kanya hahaha deh joke lang hindi lang talaga namin feel ung "high" people hahaha Tapos, ayun umalis na kamisakay ng van at nagtungo na sa Pampanga. Mabilis lang naman ung biyahe..:D
Kaya lang, pagdating dun gutom na kami kasi nagbaon ng lunch ung mga Auntie at Uncle ko (which proves hindi naman pala sila ung mga iniimagine kong mayayaman na magoorder na lang kasi nakakahiya naman may baon ka pa.. fun! :D) pero hindi pa lumalayas sa ibang villa ung mga taong dapat eh nag-out na haha kaya sa parking area nal ang kami kumain muhahahah nakakatawa talaga!! very exciting!! haha kasi ba naman, pag may dumadaang guard kaming mga bata nagtatago sa kotse hahaha pero ang hindi ko ineexpect sina Tita niyaya ung guard kumain ng pancit at siopao hahahahaha :)) Grabe, ang fun!!! hahaha natatawa talaga ko haha
At since matagal pa bago kami makapagsettle sa aming villa, nagswimming na muna kaming mga bata except kay Kuya RJ/Arjay/Arjey/ewan hahaha at kay Jaja/Jahjah/ewan 2 haha :)) Ayun, swim swim.. grabe fun!!!! I love to swim!! saka ang fun nung grand slides haha!!
Tapos,nagshower na kami ni ate pero paglabas namin wala na ung mga kamag-anak namin haha PEro, buti nal ang dumating ung isang kasambahay na kasama namin at sabi nya nauna na daw sila dun sa may parang Picnic grounds para kumain ng rice at matinong lunch. Dumating din kami dun at kumain. Pero, nung tapos na kami, nakita namin ang isang insect(na parang ulo ng hito na binalot ng cotton ung lower half) na nagsostroll sa table namin hahaha At syempre, sobrang natuwa talaga ko muhahaha naalala ko ung Field Bio!! Kaya as usual,, hindi ko na naman napigilan ang sarili ko maamaze dun sa insect kaya sobrang nilapit ko ung mukha ko at inobserbahan ko talaga hahaha Sabi ng Ate ko: "Oh.. ayan ka na naman..nerdo ka talagang bata ka noh..nagbabakasyon po tayo hindi to field bio noh!" haha ang weird siguro ng itsura ko nun sa mga relatives ko hahaha :)) Tapos, nagkwento ng seryoso si Auntie Lucy about life, love and success. Natutuwa ako sa kanya kasi ang bait nya eh parang mother figure talaga saka! scholar din daw sya dati wala lang hehe
Pagkatapos maghintay ng isang libong taon (oa haha) ok na ung villa namin at nakapagsettle na rin kami sa wakas haha Ang fun nung villas kasi mukha talagang bahay haha eh kasi bahay namna talaga ung mga yun haha!! May kitchen, living room, etc etc tapos may 3 TV!!! happiness!! hahaha :)) Tapos after kumain ulit, swimming na naman pero kasama na rin namin ung ibang mga relatives namin.. :D
Nag"bonding" (as Jaja called it haha) kami nina Kuya RJ, Jaja saka ni ate. Swimming kami ng swimming at paulit ulit na nagslide, stop din kami ng stop sa lazy river kapag may mini falls haha at parang fountain, sinabayan din namin ung waves dun sa wave pool at nagswimming na nman hahaha Nakakatuwa kasi hindi ko talaga kilala si Jaja at Kuya RJ dati haha oh well mababait naman pala ung father side namin haha
Tapos tulog, kain, nood ng movie, kain,nood ng movie, tulog .... x 10000000 lang ung ginawa talga namin dun hahaha Ay! Nagikot din pala kami pero maliit lang ung inikutan namin. Nakakatawa kasi ung isang kasambahay na kasama namin , si Ate Fe, naghahanap ng Amerikano/"'Kano" hahaha nakakatawa nga nung naggreet sila dun sa ibang mga Americans eh hahaha pero sumagot naman ung mga yun feeler hahaha deh joke! mabait lang talga sila haha
Tapos, umuwi na kami haha wala lang hahaha God Bless! :D
Sana pala bumalik kami uli pag umuwi na si Papa haha :))
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment