Sunday, September 2, 2007

Another sad post

Grabe.. napakasad talaga.. nagkaproblema sa bahay namin. Akala ko kasi pinayagan na ko pumunta sa Batangas this sunday kaso hindi pala. Nagagalit ung mom ko kasi responsibilidad daw nung friend ko sa Tanglaw na ipaalam ako kasi mas matanda sya. Eh akala naman namin ako lang ung magpapaalam. Ayaw nung mom kong makipagkaibigan pa ko sa kanya. Sobrang sad talaga pero dapat kong sundin kasi nasa care pa ko ng parents ko eh. Kaya idadrop ko na ung ORI, virtues class/future circle and anything connected to Tanglaw. Siguro once a month na lang ako dadaan. SAd talaga pero naiintindihan ko naman ung mom ko kasi sobrang napapagod talaga ko. Naaapektuhan din ung academic performance ko at lalo na hindi na ko nakakatulog ng maayos. NAglalagas na nga ung buhok ko eh dahil yata sa stress haha joke.. Pero seryoso talaga, dapat ko nga sigurong ipriotitize ung studies ko kasi un naman ung responsibility ko ngayon kasi bata pa ko at pinag-aaral ng parents ko. PAg graduate na ko siguro magpo-pursue ng mga ganung bagay pero magbabasa pa rin ako ng religious books para naggogrow naman ako kahit mag-isa lang ako. Bahala na si God.

ANyway, naglaro ako ng sungka nung saturday. 2 wins one loss.. pero bale 3 wins kasi nanalo si Kuya Joshua dun sa sungka game bago ko naglaro. WWWOOOO Go MBB!!!! hehe kaso sad ulit... kasi ako lang mag-isa nung hapon na kasi umalis na si cecile syempre kelangan nya magayos ng stuff aksi pupunta syang homecoming.. sana pumunta rin ako haha Tapos ayun nakaupo lang ako sa bench naghihintay ng next game. Medyo nairita kasi ako haha kasi ung kalaban kong isa..super tagal tumira. Tumaas talaga presyon ko sa kanya haha Ang alam ko kasi.. bawal magbilang. Kung magbibilang ka man siguro for 10 seconds lang eh sya grabe mins yata sya nagbibilang ng tira nya. Tapos tinakpan pa nya ng thing ung mga sunog nya eh ung point nga nun pagmay nahulog dun sa kalaban mapupunta. Any OH.. haha umiinit lang uli ulo ko sa kanya tama na nga. Ayun GO MBB!!!! ang saya nung dodge ball na weird hehe GO ATE ANDOI!! hehe After nung sungka, tinawag ako ng isang upperclassman tapos nagusap ng konti tungkol sa cheering eh sobra sobra sobrang late na ko sa appointment ko sa dentist grabe 1 buwan na yata kong di nagpapacheck up kasi sobrang busy ng schedule ko (siguro nakikita rin ng mom ko na hindi na ko nakakapagpahinga at namimiss ko na ung ibang appointments dahil sa ibang mga bagay). Tapos tinanong nya ko kung magpapalift daw ba ko.. mag-iisip pa sana ko kaso parang naiirita ata sya kasi nag-iisip pa ko.. um-oo na ko.. sobrang nasad talaga ko aksi bakit ganun.. un ung unang beses na may hindi magandang bagay akong nakita sa upperclassmen pero ok lang kasi tao rin naman sila pero nakakasad lang talaga kasi sobrang frustrated an ko nung araw na yun. Tapos pag-uwi ko pinagalitan pa ko kasi gabi na ko nakauwi.

Nung huling thursday pala pinagalitan din ako kasi gabi na ko umuwi tapos tawag nang tawag nang twag si Ate Berna eh dapat magkasama nga kami sa ORI di ba. Eh magkasama naman talaga kami at maaga talaga kami natapos kaso nalock ung gamit ni sir taf sa bio unit eh syempre kasabay ko dapat sina cecile at gihan umuwi kasi takot ako sa pedicab eh di dun kami sa other side papuntang UP dadaan. Grabe tlaga sobrang nakakadown tong week na to.

Sobrang namomroblema pa ko kasi nawawala ung Form 5 ko eh kelangan un para makuha ko ung stipends ko sa DOST kasi wala pang copy ung sa DLRC. Umiyak na talaga ko kahapon kasi sabay sabay lahat ng bagay. Buti na lang!!! Thank GOD tlaga!!!! nakita ko kanina na may photocopy pala ko nung Form 5 ko. THANK YOU, LORD!!!! :D

SOrry nga pala Cecile kung sad post to ah.... :(
Hiyas, sorry rin kasi di ako nakareply sa e-mail mo kasi super busy nga tlaga ako... sorry... ingat ka!! miss you!!! :D

Problema na naman ung cheering practices kasi late na naman ako makakauwi eh hindi nga kami nag-uusap masyado ng mom ko ngayon. Naiiyak na talaga ko sa lahat ng bagay. PEro I still trust You and I love You. Alam kong may purpose lahat ng to kasi hindi Mo naman to papayagang mangyari kung hindi rin sa ikabubuti ko. Please guide me. :D


oo nga pla.. sana ok lang ung dad ko sa Darfur. Di pa uli sya sumasagot ng e-mails namin eh sad.. sana ok lang sya :D

Oo nga pla.. may fun din na nangyari nung friday. Dumaan kami ni Gihan sa Vinzon's para tingnan ung bagong mga scholarships. Tapos nakakatawa talaga. KAsi may isa lang kaming nakitang applicable sa min. Pero hindi na rin ako mag-aapply nun kasi malabo akong matanggap kasi 1 lang ung pinipili nila per scholarship. Tapos pumasok na kami ni Gihan. Sabi namin ung UPAA something scholarship po. Parang napasmile sila sabi ni la member kayo ng cultural minority? hahahhahahah nakakahiya talaga tapos labas kagad kami ni Gihan. Hindi kami makapaniwala kasi wla namang nakasulat dun sa description. Un pala andun sa title.. UPAA blah blah Scholarship for Cultural Minorities muhahahaha grabe tlaga tawa kami ng tawa ni Gihan hahahahha

any OH.. God Bless!! :D

No comments: