Saturday, August 25, 2007

CHEER!!!!

As I promised to Cecile (habang nag mamarathon kami papuntang Ayala Heights haha), magpopost ako ng mahaba-haba haha.. ayun.. haha
The day before, napagusapan naming ni Gihan na 7:30 kami magkita-kikita sa Kalay kasi 8 dapat ung games per owell 9 pala kaya sabi ko 8:30 na ko makakarating hehe. Tapos, nalate naman ako hehe mga 9:10 na ko dumating sa kalay pero nadiscover ko naman ung short cut from gym to kalay haha.. Tapos ayun nagjeep kami papuntang Park 9 tapos medyo hirap pa kami magdecide kung san kami bababa haha. Pagdating naming sa Park 9 ang konti ng tao (not as we expected hehe) pero un pala kasi may exams ung seniors tapos ayun nanood kami ng men’s basketball game pero well talo ata kami hehe pero ok lang un GO MBB!!! Hehe tapos pumunta kami ni Cecile sa Ayala Heights para sa badminton mixed pero well sobra sobrang haba ng nilakad namin. Akala ko kasi dun sa gate 3 un pala sa Gate 1 pa eh magtatricycle pa papunta dun grabe akala namin ni Cecile super layo na nangdinaanan namin un pala pagdating namin sa Gate 1 malayo pa tapos kinuha ung IDs namin dun. Lakad naman kami papunta daw dun sa isang guard sa dulo. Biglang may deceiving sign na nakasulat Clubhouse (tuwang tuwa naman kami ni Cecile) pero nagtanong kami tapos sa baba pa daw un tanungin daw naming ung susunod na guard. Tapos nung nakita naming ung guard nilokoloko nya muna kami na giniba na daw ung Badminton Court tapos umiinit na talaga ung dugo ko nun eh hehe eh kasi naman ang layo ng nilakad namin ni Cecile tapos wala lang pala. Pero jinojoke lang pala kami nung guard haha tapos nagcocontemplate na talaga kami ni Cecile kung babalik na lang kami sa Park 9 or tutuloy pa tapos may dumating na savior – ung driver nung golf car (or whatever you call that haha) tapos ayun sabi ni kuya guard na ihatid na nya lang daw kami dun sa may badminton court kasi dun din naman sya ata pupunta. Tapos yey!!! Sinakay nya kami ni Cecile niloloko pa rin kami ni manong guard na 7.50 daw ung bayad hahah Nagpauto naman kami ni Cecile haha pagdating sa court tinatanong naming kung magkano uli ung bayad muhahahahaha tapos si Den lang ung nadatnan namin dun grabe talaga.. Sobrang sad na kami ni Cecile nun kasi buong umaga na kaming nagtatravel eh super traffic pa dun sa may MWSS – Old Balara. Tapos ang galling pinahatid kami ni Den sa driver nya kaso ung ID ni Kuya driver eh nasa Gate 3 tapos ung samin ni Cecile nasa Gate 1 eh di kinuha muna ni Kuya ung ID nya sa Gate 3 tapos pumunta kami sa Gate 1 nung pabalik na kami papuntang Katips.. GGGRRAAABBBEEE talaga ung traffic!!!! Sobra!!!!! Mga 30 mins from labas ng Gate 1 – Gate 3. Kailangan pala sunduin ni Kuya si Den ng 12 eh 11:45 na nun nung makarating kami sa may Romulo Hall kaya bumaba na kami ni Cecile at naglakad papunta sa sakayan ng Katips. Tapos sobrang sakit talaga nung tiyan namin sa gutom kaya dumeretso na lang kami sa KFC at kumain ni Cecile forever. Tinext ni Cecile si Gihan na hihintayin naming sya sa KFC pero dumating na sina Ate Andoi at natapos na sila kumain hindi pa rin sya dumadating pero ok lang naman no problem hehe tapos sabi naming sa Park 9 na sya dumeretso. Ayun1!! Ang FUN FUN magcheer kapag andun ung seniors haha ang happy nila haha
Nung first half, hindi pa masyadong nagshisheer ung MBB.. Score ata is 34 Chem – 15 MBB tapos ayun cheer cheer talaga nang sobra sobra as in.. Madidifferentiate nyo ung sigaw ng Chem sa MBB kasi ung sa Chem mababa at malalim ung sigaw nila kasi mga lalaking players ung nagchicheer pero ung MBB naman super TINIS ng boses naming grabe talaga as in to the highest note haha Ang FUN FUN TALAGA!!! ang saya magcheer!!!! hahaha
tapos volleyball games na.. dumating si sir!!! nalaman namin ung results ng GRE nya..hindi ko alam irereact hehe NaOH (pronunciation: parang anyway haha) ayun naglaro si sir ng volleyball grabe ang hyper ah haha infairness magaling sya magvolley hehe pero pagchinicheer namin sya nina Gihan either out ung serve nya or net haha may bad vibes siguro kami haha nanalo ung MBB sa first game kaso di na namin napanood ung third game kasi mga 5 na nagstart eh dapat uuwi na ko nun hehe.. tapos dapat kakausapin lang namin sandali ung buddies namin ni Gihan kasi ung buddy ni Cecile, si Ate Teresa wala dun.. Ung buddy ni Gihan si Ate Jade at ung buddy ko si Kuya Juanchi. Pinag-usapan namin kung pano kami magkocomplexation hehe or magbabuddy-bonding hehe grabe ineexpect ko ang formal lang ng usapan namin kasi di pa naman kami close ng mga buddies namin (pero syempre gusto namin silang maging close hehe).. un pala super ingay ng discussion namin hahaha as in!! nasa may gilid lang kami ng court tapos nagge-game na ng volley pero super duper ingay talaga namin hahaha nasaway nga kami ni Kuya Kent eh haha (sya ung tumitingin sa line haha di ko alam tawag haha) grabe haha ang HAPPY HAPPY nung usapan namin haha Si Ate Jade at Kuya Juanchi ang lakas mag-asaran hahaha NaOH, napagkasunduang sa Sept 2, Sunday, Bowling kami sa SM North 10 am hehe feeling ko talaga magiging FUN un haha pero sa susunod talaga magbibitbit na ko ng two pairs of boxing gloves for kuya juanchi and ate jade hahahahaha joke ;p
Ayun tapos pumunta kaming Kalay at nagpaphotocopy ng Chem Manual tapos umuwi na ko grabe umuulan.. tapos SSSUUUPPEEERR traffic talaga!!! mga 7:30 na ko nakauwi.. buti na lang di ako napagalitan hehe thanks MOM!! hehe
oo nga pala.. my dad is leaving tomorrow... aaawww Bye Dad!!! Ingat!!! God Bless!!! haha

2 comments:

Anonymous said...

BOO AYALA HEIGHTS :|
woo. kuha ka na ng cbox.
click here: :P

Anonymous said...

tin! basahin mo blog ko :)