Gumawa kami ng DNA model sa MBB 141 (Fundamentals of Gene Manipulation) lab at ang bading nung kinalabasan ahaha Originally, Christmas theme ang inenvision namin kaya lang kulang pala ung nabiling Christmas balls kaya medyo nagimprovise na lang. Napagamit din kami ng fuschia pink na popsicle sticks (c/o Peach, Jo and Neri's group hehe ;p). Tapos may golden beads pa sa sides ahaha ang bading talaga haha Congrats us haha! We did our best! ^______^
Tapos, after lab pumunta kaming SM ni Gihan para bumili ng school supplies sa National Bookstore. Kwentuhan on the way pati habang namimili hehe :p Feeling ko ang dami kong sinasabi kapag kami lang ni Gihan ahaha mga thoughts ko in life, realizations, etc etc. Thank you very much for listening, Gihan! ^___^
Tapos nung pauwi na kami, nagyaya akong kumain dun sa 'Itlog-on-Sticks' stall sa may sakayan ng jeep. And then!!! Lo and behold, I saw Ms. Angeli Macandog! Bumibili rin sya ng gulaman dun sa stall. Grabe! Thank you, Lord! Thank you po talaga..:) ehehe thank you dahil pinagmeet nyo kami ulit..:D Last na nagkita kami nung Grad Ball pa siguro nung 4th year, mga more than 2 years ago. Ang bilis ng panahon, 2 taon na un. Parang walang nagbago, ganun pa rin si Angeli! And I'm actually happy that she didn't change (siguro in some ways kasi sandali ko lang sya nakausap pero masaya ako na di nagbago ung general disposition nya hehe)..:) I really miss Angeli! She became my close friend in the fourth year of high school. Nung kaaalis lang ni Hiyas, nagpapasalamat ako kay Lord dahil binigyan nya ko ng bagong friends na nakapagopen-up at nagpakatotoo rin ako with..:) Angeli, Jasper, Lou, and other people..:) I'm really thankful, Lord! :)
Nung naglalakad na ko sa village namin papunta sa bahay, natuwa ako kasi when I looked up, I saw stars again ;p It felt nice and nostalgic to see familiar constellations :) Naalala ko nung bata kami, may bakod sa harap ng bahay namin tapos may maliit na butas sa gitna kung san tinatapak ung paa para makaakyat kami at makaupo sa bakod. Tapos, titingnan namin ung stars. Kahit kailan, ang sarap tingnan ng malawak na langit na napapapalamutian ng mga bitwin. I'm overwhelmed and mesmerized everytime I look at the night sky. It's beautiful..so beautiful. I remember being told before that the majesty of the sky roughly mirrors the magnificence of God. Para siguro kong timang kanina, naglalakad nang nakatingala ahaha mabuti na lang wala nang tao sa daan haha But, I loved that feeling. Before I reached our house, I looked up again and tried to remember the sky and treasure that. I hope that when I feel alone or lost, I'll remember that He is always looking at me from above..^^
God bless! ^^
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment