Proverbs 3:5: "Trust in the Lord with all your heart, and lean not on your own understanding; in all your ways acknowledge Him, and He shall direct your paths."
Nung elementary ako, yan ung nakasulat dun sa parang wooden tablet na prize ko sa Catechism class namin :D Sobrang di ko talaga ineexpect un kasi parang nagsulat lang ako nung mga natutunan ko sa story ni Ruth. Pero dahil di ko nga inaasahan, tuwang-tuwa talaga ko nun at hanggang ngayon ay malinaw ko siyang naaalala :P
At ang galing talaga ni Lord, kasi throughout my life, ung trust na un talaga ung pinakafocus ng relationship ko with Him. Kahit mga simpleng bagay lang. Kunyari, may whatever na nangyari kaya malelate ako sa school, tapos magdadasal ako at iisiping bahala na kung anong mangyari..pero malalaman ko wala pa ung teacher, etc. :P Marami pang ganung events e :D And I think, those small things happen to all of us. We just have to be sensitive to them. He communicates with us through such events as well ^___^
Today, naprove naman un. Kapag hindi ko na alam ang gagawin o hindi ko na kaya, magdadasal ako at sasabihin sa kanyang lost ako o di ko na kaya, kaya Lord, bahala Ka na. Tapos, may mangyayari para masolve ang problema :p or kung di man masosolve kaagad, ipaparealize Niya sakin later kung bakit kelangan mangyari ung mga bagay na un :p
Ang galing mo talaga, Lord ^____^ I love You. :)
God bless ^___^
-Tin
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment