Sunday, September 13, 2009

Sa 'Yong Piling :)

Wow..nagising ako ng 2:00 ng hapon! ang saya saya di ba! ahaha :)) grabe medyo hindi ko talaga napansin na 2 na pala! Pagkatapos, kumain na ako ng brunch (maituturing bang brunch un eh hapon na eh so gitna na sya ng lunch at merienda..therefore..lurienda? ahaha :))..tapos, dumating sina Uncle Rick, Kuya Mac at Kuya Kuroy..tapos greetings..grabe nakokonsyensya nga ako kasi hindi ko pa kahit kelan kinakausap si Kuya Kuroy eh family friend sya ng relatives ko sa province at twice na nyang makapunta sa bahay..at parati rin namin syang nakakasama sa outings sa province..baka feeling nya ang taray ko o baka masama tingin ko sa kaniya..Sorry po, Kuya Kuroy nahihiya po kasi ako eh..:p Peace! :D

tapos umakyat na ko kasi gagawa kami ng powerpoint ng ate ko..tapos umakyat si Kuya Jeff at pinapakanta ko sa Magic Sing! homaygulay talaga! ahaha syempre ayoko talaga kasi nahihiya talaga ko kumanta sa harap ng mga tao! eh pero well nakakahiya dahil naghihintay sila so napakanta ko ng "A Whole New World" ng wala sa oras ahaha :)) Yihee si Kyuhyun kinanta ung "A Whole New World" ahaha Idol ko talaga sya, promise! :D Tapos, ayun ginawa na namin ung powerpoint ng ate ko on "Social Graces"..:D at habang nagreresearch, nalaman kong sa Japan..part ng dining etiquette na hintayin mong yayain ka ng host na kumain 3 times bago ka kumain ahaha nagulat lang ako kasi grabe naman :p pero siguro di naman ganun kastrict un ehehe :p

Tapos, nagmass na kami..:) Medyo hindi ako as close kay Lord ngayon as before pero I'm trying..:) Ang gospel ay tungkol sa kung ano ba talagang ibig sabihin na si Jesus ang Christ..ibig sabihin, He needed to suffer, die and live again so that we can be saved..:) If we want to follow Him, we must take up our cross everyday and follow Him..:)

Father, I have been away for a while but please accept me again..I know you will with arms outstretched. :) Thank you so much, Father..:) I'm starting to understand why all of those sad things had to happen :) I love you..:)

NMAT review center? :D

at ito ang isang kantang naalala ko dahil sa pagbasa ng older posts ko:

Sa 'Yong Piling

Tinawag mo ako, O Panginoon,
dagli akong tumugon sa tinig Mo.
Tanda ng pasasalamat sa pag-ibig Mo
na sa tuwina'y nadarama ko.

Ako'y namangha sa 'Yong kabutihan
Tunay na wala Kang katulad

Sa bawat sandali ng aking buhay, Ikaw ang siyang gabay
Sa oras ng lungkot, pagkabigo, ako'y muling binubuo.
Luha ko't pasakit ay Iyong pinaparam.
Sa paglubog nitong araw, sa pagsapit ng dilim
Ang tangi kong hiling ay humimlay sa 'Yong piling.

Labis ang galak ko Panginoon,'pagkat Ikaw lamang sa buhay ko.
Kagandahang loob Mo ay walang hanggan,ligayang lubos kailanman.
Katapatan Mo ay di magmamaliw
Kailanpama'y siyang aking sandigan.


God bless! ^__^

No comments: