Hello! ^__^
Di kasi ako nakapagpost kahapon pero gusto kong idescribe ang feeling ng isang migraine attack for future reference ahaha :)) Anyhoo :p Nung geol, nakakakita na ako ng mga random na ilaw at ung typical na "aura" haha :)) parang magsstart sya as maliit na parang crumpled na aluminum foil tapos lalaki sya hanggang after some time ay meron nang arc ng parang aluminum foil ung paningin mo..At kapag nakakakita ka na ng mga ilaw na ganun, mahirap nang makakita ng maayos syempre ahaha at kapag nagform na ung arc ay hindi mo na makikita ung figures sa right side ng field of vision mo. Tapos, ang hindi ko ineexpect ay super sasakit pala ung ulo ko pagkatapos..kasi madalas ilaw ilaw lang tapos minsan lang ung may kasunod na oa na headache.. eh ayun..malas lang haha :)) nung pauwi na ko..grabe torture sa Philcoa jeep kasi nakakahilo talaga ung biyahe..kasi hindi rin mataas ung tolerance ko sa mga biyahe kasi nakakahilo talaga..ung amoy, ung movement, ung kakulangan sa malinis na hangin..ung feeling na madilim at parang trapped ka sa jeep..:( anyway, tama na ang descriptions ng pagsakay sa jeep ahaha dahil hindi naman parating ganun..masaya naman sumakay sa jeep eh pero pag rush hour medyo hassle talaga hehe :p
Anyhoo, ayon..tapos pagbaba ko ng philcoa grabe di ko talaga alam kung susuka ba ako, hihimatayin, iiyak..sobrang nakakangarag talaga..:(( at naramdaman ko talagang hindi ko pa kaya sumakay ng jeep pauwi sa bahay namin..I needed medicine..and quick! kaya bumili ako sa Mercury Drug..pero grabe ang hirap bumili ng gamot pala..kasi wala namang pila parang sisingit lang kayo dun sa desk tapos kukulitin ung pharmacist na pakinggan ung gamot na kailangan mo..grabe parang 20 minutes lang ako nakatayo dun at naghihintay ng pharmacist..feeling ko talaga magbbreakdown na ko dun..kaya naman tinext ko si Gihan at si Cecile para irelease ang frustration ko..at syempre, deep inside umiiyak na ko kay Lord :) tapos, yipee may pharmacist na nagaccomodate na sa kelangan ko..kaya pumunta na ko Mini Stop para bumili ng tubig at pagkain (dahil madalas kulang ako sa pagkain...at tulog kaya nagkakamigraine ako :p) at haaayyy nakainom na rin ng gamot..pero syempre hindi immediate ung effect nun..pero ung pagkain masmabilis ang effect kasi medyo gutom na rin ata ako nun..at tinawagan ako ni Cecile para kamustahin(aaww thank you..:) )..at after some time, nakauwi na rin ako..yehey! Sorry po talaga sa mga naistorbo ko..kina Gihan, Ben, Leonard, Cecile, Kuya Juanchi..at sa nanay at tatay ko na hindi masaya ang naging greeting ko paguwi ko kahapon..sorry pooo..at sa lahat, maraming maraming salamat! *hug* >:D<
So ayun ang nangyari kahapon..kanina naman..grabe medyo nagising ako 7:30 na tapos 7 ung class ko pero ang alam ko may 5 alarm ako! hanobeee! Grabe nga ung tulog ko eh parang blackout as in tuluy-tuloy tapos nagising na lang ako 7:30 na so wala na late na ko for envi sci..tapos habang iniisip ko un, nakatulog na naman ako tapos blackout na naman at kungdi pa sumigaw ung nanay ko na baka namiss ko na nga ung 1st class ko ay late pa ko sa susunod ay hindi pa ko magigising..grabe sobrang hirap bumangon..feeling ko may effect ung gamot kasi di naman ako ganun masyado pag normal days..ehehe :p pero malelate pa rin ako so nagtaxi na ako..tapos waahh sayang 100 pesos..:( sabina kasi magcommute na lang kahit malelate ka na basta wag kang gumastos ng ganun kasi mali un..haha Grabe Tin, bawal magtaxi, okay? Good. haha :)) Tapos ayun..classes..at grabe sorry Ma'am Santos wala po talgang kwenta ung quiz ko..nakakalungkot :(( pero! I will do my best next time! Promise! haha :))
NMAT review center pleaseeee haha :)) Promise, sabi ng mga magulang ko magreview ako pero tapos na ung enrollment sa Brains at nagsimula na nga sila dati pa so kelangan ko ng iba..okay lang ba sa Diliman Access? :D
Thank YOU for this day, Lord! :D I pray that tomorrow will be a happy one! I know it will be if I see it that way..^___^
God bless! ^^
No comments:
Post a Comment