Thursday, December 31, 2009

New Year

ang daming nangyari simula nung last post ko..:)

dumaan na ang carolfest..nanalo kami sa University-wide! woohoo! ^_____^

dumaan na ang birthday ng isang tao..nagcram kasi ako ng minimovie para sa birthday nya..:D

dumaan na ang caroling ng chorale..yehey at least may konting funds na! haha sana madagdagan para makabili na kami ng keyboard :D

dumaan na ang Pasko..HAPPY BIRTHDAY po! ^___^

at later, New Year na! :D


Hindi ko alam pero hindi ako masyadong excited sa New Year ngayon compared sa previous years. Ngayon kasi naisip ko, e ano bang special? Parang minamark lang naman ung isang span ng time na arbitrary lang rin naman ung assignment. Pero maganda naman na icelebrate ung bawat taon :D Kaya lang hindi sya ganun kaspecial para sakin :p

Pwede naman magkaroon ng resolution kahit anong araw. Pero ok rin naman nga na parang at least may set date ka kung kelan ka magsisimulang magbago :p

Actually, looking back, hindi masyadong maganda ung 2009 ko. I've changed so much. Some events happened but I can't blame those because I let myself become who I am now. There've been a lot of times when I decided to force myself to become better. But often, I just get tired and hopeless. It feels like I'm just going around in circles. When I begin to be even a tiny bit more selfless, something happens (I'm usually the cause) and I'm so easily dissuaded. I think the problem is in the way I think. I always end up thinking I'm such a bad or flawed person that things turn out awfully. I don't want to dislike myself anymore but I'm too impatient to bear with my every fault. Twisted. Sigh.

Oh well..New Year na, Tin. Alisin mo na sa utak mo yang maling pag-iisip na yan. Sa 2010, bawal na yan ha! BAWAL! ahaha I think I have to be kinder and more patient with myself. Everyone has faults, I don't have to torture myself with every error I make. I should remember that :p

It's funny that I'm saying those words to myself, when normally, one would be told those things by other people. haha

At bawal na rin magoveranalyze. Wag masyadong isipin ang mga bagay-bagay na di naman dapat pinagtutuunan ng masyadong pansin :) Kung naeemo ka, matulog ahaha :))

At dapat matutong itune-out ang ibang thoughts ahaha Dapat parang sensory adaptation, masanay ka nang nakikita ang mga bagay o taong medyo di mo magets o nakaconnect sa sad memories, tapos pag sanay ka na, di ka na masyadong maapektuhan. :)

At wag masyadong mababa ang self-esteem ha! Marami talagang mas_______(insert adjective here :)) ) sa mundo, pero di ibig sabihin nun inferior ka na sa kanila..:) Love ni Lord and bawat isa sa atin kaya di dapat magcompare :p

At bawal ang tamad ahaha Maglinis ka naman :)) Ang kalat ng mga gamit mo ahaha Kaya parating naiinis sina Ate at Mama sa mga gamit mong kung saan-saan nakalagay haha Ayusin mo rin ung mga labrep mo please :)) Sabi nga ni Kuya Buddy, learn to love your work. :) Iresume na rin ang lessons kay Ate Lily. Magbasa uli ng Bible. Magbasa ng religious books. Wag tulugan ang pagdadasal. Magsimba nang maaga. Magconfess. Go Tin! ^___^

At pigilan ang pagiging materialistic at lavish. Wag masyadong matagal magbihis ha :)) Wag masyadong maconscious sa external appearance haha Wag rin gastos nang gastos sa mga bagay na di naman necessary :)

AYUN. Bale ang pinakagoal ko ngayong year na to ay maging mas close uli kay Lord! ^___^

Go Tin! ahaha At sa mundo na nagcecelebrate din ng bagong taon, sabay-sabay tayong magbago to a happier and more peaceful world! Woohoo! :))

God bless! ^__^

No comments: