Sunday, September 7, 2008

Weird Legs

okay..Hi Blog!! ahaha :))

Nagsimba kami kanina at ang fun kasi dun kami nakaupo sa may gilid dun sa malapit sa pianista at choir haha wala lang naaliw ako kasi bagong view :)) Ayan so ang saya saya ng mass :D At marami na naman akong natutunan at naremind na naman ako sa mga dapat kong gawin hehe at meron akong natutunang bagong church songs na nakakainspire talaga hehe :

Sa 'Yong Piling

Tinawag mo ako, O Panginoon,
dagli akong tumugon sa tinig Mo.
Tanda ng pasasalamat sa pag-ibig Mo
na sa tuwina'y nadarama ko.

Ako'y namangha sa 'Yong kabutihan
Tunay na wala Kang katulad

Sa bawat sandali ng aking buhay, Ikaw ang siyang gabay
Sa oras ng lungkot, pagkabigo, ako'y muling binubuo.
Luha ko't pasakit ay Iyong pinaparam.
Sa paglubog nitong araw, sa pagsapit ng dilim
Ang tangi kong hiling ay humimlay sa 'Yong piling.

Labis ang galak ko Panginoon,
'pagkat Ikaw lamang sa buhay ko.
Kagandahang loob Mo ay walang hanggan,
ligayang lubos kailanman.

Katapatan Mo ay di magmamaliw
Kailanpama'y siyang aking sandigan.

hindi ko pa alam kung sino ung gumawa nung song eh ieedit ko to next time.. :D

After magmass ay nagSM kami at sinamahan bumili ng panreglao sa officemates nya ung ate ko :D Bumili sya ng stuff from Blue Magid tapos kumain kami sa Tokyo! Tokyo! :)) Wala lang may naaalala talaga ko dun :)) Anyway, ang dami kong nakain :)) hindi kayo maniniwala pero ako ung pinakamadaming nakain samin ahahahah :))

Bumili rin kami ng mga blouse at make-up stuff ng mga ate ko haha :)) medyo meron akong nakitang cute na long shorts :)) pero sabi ng ate ko ay hindi daw un bagay kasi parang may band..sabi rin ni mama..so hindi ko nagets :)) tapos un pala kasi may space ung legs ko kapag nakatayo ako as in hindi ko mapagdikit ung knees ko :)) un pala dahil nga SAKANG ako :)) so tinry ko naman maglakad ng straight line pero well nakakapagod :)) at nung nasa taxi na kami pauwi ay nagdecide ako na hindi ko na sya babaguhin ahaha ako si Tin dahil na rin sakang ako..whuuuttt ahahahaha =))

so ayun..hindi naman dahil babae ako ay normal na diretso ko maglakad :)) I love my sakang legs :))

God Bless!! >:D<

No comments: