Monday, September 8, 2008

It's Her Birthday! :D

Hey!! :D Birthday ni Mama Mary today!! Yehey!! :D

Mga 8 na ko gumising..:)) well 10 pa naman kasi class ko so okay lang yan haha nakanood pa nga ako nung Bannertail eh :)) ung chipmunk ata un na cartoons sa Q TV hahaha:)) Ayan namiss ko na talaga kasi TV eh haha ang haggard sa school pero keri pa yan :D Nanood pala kami ng dvd ng "My Big Love" kahapon :)) ang saya ahahahaha ang bagay talaga ni Toni at ni Sam :)) so ayun nagenjoy naman ako at narefresh :)) ang labo ko bigla kong siningit ung nangyari kahapon ahahahaha :))

Mga 9:45 dumating ako sa Albert Hall at nakipagdaldalan muna kina Gihan at other blockmates bago magstart ang CWTS :D Nung pumasok na kami sa room ay nakikipagdaldalan pa rin ako kay Gihan at Cecile :)) Kinekwento ko pa naman kay Gihan ang aming experience ni Cecile ng panonood ng Noh (Japanese theatre na ilang hundred years na :D)..ung title The Italian Restaurant..Un ung may mask na parang devil na may weird expression ung main character :D Tapos kahit twisted ung story ay ang ganda ganda pa rin :D One of a kind nga ayon kay Cecile :D At sobrang benta ung waitress!!! =)) nagdadadakdak sya nung mga nasa menu nila na parang mawawalan na sya ng hininga =)) benta forever :)) The play was written and directed by the acclaimed Noh master Noahiko Umewaka.:D

ayan balik tayo sa CWTS class namin haha Tapos! bigla na lang narinig kong may tumatawag sa aking pangalan..un pala mga blockmates ko sa kabilang side ng room at pinakita sakin ung T-shirt ng aking classmate na nakalagay ang letters ng pangalan ng isang taong inaasar nila sakin...:)) syempre tumawa-tawa kaming lahat :D eh kasi ang joke nila eh haha =)) pero hindi ko naman tinatawanan ung taong inaasar nila..bad naman nun hehe :)

Tapos ayun, kwento uli about Noh..at dumating na si Ma'am Zah!! nanood kami ng film about Bioethics in Research..tapos nagkaactivity after na magdidiscuss ng mga questions..at magkakagroup kami nina Cecile, Gihan, Jen, Maget, Neri at Hazel tapos almost pare-parehas naman kami ng mga pananaw sa buhay :)) so hindi kami oa nagdiscuss..at dahil na rin gusto nang kumain ng Banoffee at Vanilla icecream c/o Ma'am Zah as prize sa game namin last week :D Ayan so una kaming nagdiscuss at napasama na rin ako kay Maget =)) tapos ayun sinabi naman namin ung galing sa puso namin :)) kahit parang hindi organized :)) kasi para sakin talaga.. personal choice yun..kung parang may part sayo na ayaw eh baka nga kasi may mali so ikaw responsible sa actions mo :) Siya na ang magjajudge sa ating lahat after :D

Binurn pala ako ni Leonard ng CD ng worship songs..kasi napagusapan namin kahapon..:D At yey! ang saya saya talaga kumanta ng ganito! :D Salamat, Leonard! :D

Ayan tapos PE naman duckpin..at well hindi na naman pasado ang scores =)) Goodluck naman sa duckpin :)) sana makapagmake-up uli kami nina Ben, Gihan at Cecile para medyo tumaas naman :)) Ay!!! kinakantahan pala ako ni Gihan at Cil kanina ng "Pakisabi na lang na mahal ko sya..di na baleng may mahal syang iba..Pakisabing 'wag siyang mag-alala..Di ako umaasa..Alam kong ito'y malabo..hhmm hmm hmm hmm hmm hmm paki sabi na lang.." Ung hmm part ay dahil hindi na nila alam ang lyrics :)) actually di ko gets bakit yan ung kinakanta nila sakin :)) pero well bahala na :))

Kumain kami sa Mcdo after PE!! Yey! :D at umuwi kami ni cecile after..sina Ben at Gihan bumalik ng UP :D Sorry, Ate Jana wala na naman ako sa chorale kanina..haggard eh pero sana next week pwede na ulit :D

Ayan! tapos umuwi muna ako at mga 6:20 ay umalis na kami papuntang Our Lady of the Annunciation Parish :D Yey mass!! :D Medyo nalate si Father kasi sobrang lakas ng ulan!! at medyo natrap sya sa may Veterans..So nagrosary muna habang hinihintay sya :) Ang galing nga eh kasi at least nakapagoffer kami ng prayer ng rosary ngayong birthday ni Mama Mary kahit hindi planado :D Ayan so pagdating nya kinwento nya na..un nga ang traffic..walang masakyan..pero!! nakarating sya in 25 mins! kahit normally 1 hr ung byahe!! Miracle talaga :D kasi nagdasal sya ng nagdasal kay Mama Mary na sana medyo humina ung ulan para may masakyan sya saka sana medyo lumuwag ung traffic para makaabot sya sa simbahan kahit late na :) eh hindi naman daw super bilis nung taxi parang normal lang pero! ang galing talaga ni Lord!! :D at si Mama Mary talaga ang maawain :) tapos ayun mass na :) At may mga natutunan na naman ako today :D Tapos ang saya saya talaga kumanta sa church! Ang galing din nung choir kanina :D tapos ayun parang nauplift na naman ang aking spirit dahil sa pagdalaw sa simbahan :) sana parati ko pa rin Syang maaalala kahit wala ako sa church :) Andito naman kasi talaga ung challenge sa ating lahat :)

Ay!! may isa pa kong church song na gusto ishare :D nakakainspire din:

saan ako tutungo?
saan pa maghahanap?
hanggang sa dulo ng dagat
walang makikitang tulad Mo

libutin man ang mundong ito
sikapin makamtan ang pangarap ko
ngunit ngayon at kailan pa man
walang makikitang tulad Mo

Ikaw ang buhay
tanging ligaya
munti kong alay
papuri't pagsamba
sa Iyo Jesus
Panginoon
Tagapagligtas
Pag-ibig ng Ama


Ang saya :)

God Bless!! >:D<

No comments: