Saturday, April 12, 2008

Ice Skating! :D

Nagblock bonding kami ngayon! :D nagmeet kami ng 10:30 ni gihan sa Mcdo QAve pero as usual nalate ako pero konti lang naman hehe :) Tapos nagmrt na kami papuntang mega mall pero nauna samin si Leonard! nakakahiya naman kasi sabi ko sa kanya kahapon maaga kami dadating ni gihan kasi dapat mga 10 kami magmmeet ni gihan tapos text nya kami pagandun na sya..pero nauna pa sya! hehehe Tapos naghintay kami ng 10 years sa may food court ahaha oa naman un haha :)) pero dumating naman sina flo, jolo, mikael, den, joseph, ben at cecile..:D Ang daming nakain ni flo at jolo ahaha :)) at parang babae ung kamay pala ni jolo hehe

Tapos ang tagal tagal naming nagisip kung magaice skating or magbobowling..kasi ayaw ni den magice skating kasi medyo weak ung knees nya tapos nagmahal na sila ng fees. Medyo ung una naming decision bowling na lang pero habang nagiisip dun sa may bowling area kung tama ba ung decision namin uminom muna kami ng free samples ng milo ahhahaha :)) Tapos narealize namin na gusto pala namin magice skating so nagice skating na lang kami pero di pwede si Den so umikot ikot na lang sya sa Mega..aaawww sa susunod sana kumpleto na ang block ahaha :))

SUPER FUN MAGICE SKATING!!!! grabe! ahahaha =)) Pero masakit ang throat ko kakasigaw ahaha :)) DALAWANG BESES ako nadulas at nahulog ahaha buti na lang tinatayo ako ng mga blockmates ko ahaha :)) yihee ang fun talaga..Nagkafriend din si gihan na 5 yrs old, si KC!! haha aliw talaga kasi nakikipagusap sya samin hehe.. nakapagbond din kmi dahil dun kasi naghahawakan kami para di madulas ahahaha =)) Kaso nagkablister si Joseph so lumabas muna kami at naghanap ng band-aid..Salamat kay Ben sa pagbili ng band-aid!! :D Si Leonard ay nadulas din at nagkasugat sa kamay so kinailangan nya rin ng band-aid :D Tapos nagskate uli kami at nung nagutom na kumain na muna sa labas hehe Tapos narealize namin na hapon na mga 5:30 na at kelangan nang umuwi so umuwi na kami :D Hinatid muna namin si Leonard sa parking area at ang galing nagdadrive na sya hehe tapos si mikael at cecile sabay umuwi ng Laguna at kami nina gihan, ben at joseph ay nagMRT..Si Ben bumaba ng Cubao at kami namang tatlo ay bumaba sa QAve..Si Gihan nagUP na jeep tapos sabay kami umuwi ni Joseph kasi parehas kami taga-Tandang Sora..Tapos chika chika sa jeep at paunahan manlibre ng pamasahe ahaha :)) Tapos ayun nakauwi na rin..:D Kahit masakit ang legs at likod ko super worth it naman hehe sana maulit kami magice skating!!!!!!!!!!!!!! hehe

sige, God Bless! :D

Saturday, March 29, 2008

MBBS Sem-ender Party!! :D

After ko maipass ung plates ko sa bio, naglakad ako papuntang Albert kasi walang Toki. Andun na sina Cecile, Pat at Ate Theresa sa tambbs tapos hinintay namin si gihan at dinaanan si Ate Glai. Dumeretso na kami sa bahay nina ATe Andoi sa may Commonwealth. Memorized na talaga ni Ate Theresa ung directions papunta sa bahay ahaha

Tapos nagluto-luto kami ng kakainin. Fun! Nagluto kami ng sangkatutak na fried chicken..actually si ATe Theresa ung nagluto nun ng ilang oras ahaha Tapos nagluto ako ng hotdogs at mukhang luto naman haha :)) NAghiwa rin kami ng bananas para sa fondue, naggrate ng cheese sina cecile at gihan at naghiwa rin kami ng hotdogs. TApos narealize namin after na ang unsanitary kasi medyo naghalo ung hotdogs dun sa konting cheese so sinama na namin ung konting cheese dun sa hotdog haha :)) Gumawa rin pala ng meat sauce para sa spaghetti! Nung tinikman namin sabi ni ATe Dianne, ok lang..sabi ni Ate Kino? medyo salty tapos sabi ko medyo maasim haha ang hirap talaga idescribe nung lasa eh haha Pero buti na lang talaga tinulungan kami nina Ate dun sa bahay ni ATe Andoi kaya lasang spaghetti naman ung finished product hehe Mukhang ok naman ung attempt namin magluto kasi wala namang nagsuka after haha Grabe sangkatutak na saging at mallows ung nakain namin nina Gihan at CEcile haha

TApos ayun party na! Children's party pala sya kaya may games (basagang palayok, subuan ng saging, pabitin, modified bring me na modified true or flase daw ayon kay gihan haha :)) ), loot bags at prizes! Nakakaaliw talaga ung games haha NAgrereklamo na si Kuya Monchi sa gitna nung subuan ng saging kasi may trial muna eh nasusuya na sya sa saging haha TApos ung pabitin super FUN!!! pinasan pa ni Kuya Monchi si Kuya LAnce haha Tapos talagang nag-aagawan sila sa pabitin hahahah ang ingay-ingay talaga haha :)) ang saya maging spectator haha :)) Tapos naglaro kami ng basagang palayok at nabasag ni Gihan ung unang palayok tapos grabe nashatter into small pieces ung palayok nung naglaro ako ahahaha sabi ni Ate Dianne, may galit daw ba ko? ahahaha :)) pero super fun!!!!!!!

Congrats pala sa bagong officers!! Kay Ate Dianne, Ate Hazel, Pat, ATe Iel, Kuya Monchi, Kuya Adrian, at Ate Wegs!!! :D

NAgkaroon din ng Easter Egg Hunt sa may likod ng bahay ni ATe Andoi hehe at may nakuha kong isang red na itlog!! YEy!! haha :)) Ang fun maghanap ng eggs sa mga halaman haha :)) Tapos kumain kami ng ice cream! AT ang galing-galing ni DEn magscoop sobrang bilog talaga..lahat nga kami sa kanya nagpascoop eh haha :)) Tapos umuwi na rin kami nina CEcile ng bandang 8..nakisabay kami nina Gihan, ATe Glai at Kuya Monchi.. tapos drinop-off ako sa Mcdo, Tandang Sora..Tapos nakita ko si Joseph, blockmate ko sa MBB sa jeep pauwi at nakitext ako haha kasi naiwan ko pala kay Cecile ung ID ko sa UP at sa DOST hehe ;p

Grabe ang fun talaga kahapon haha :)) PEro sad rin kasi minsan na lang namin makikita ung fourth years.. aawww Mamimiss namin sila!! lalo na si ATe Biji!! ang aming committee head at L Arch buddy hehe :D Sana dumaan pa rin sila sa Albert in the future hehe


Saka! Ang galing galing tlaga ni DAvid Cook! SAna manalo sya hehe :D

God Bless! :D

Wednesday, March 5, 2008

American Idol

YIhee!!!!!!! Nanood ako ng reply ng American Idol season 7 kanina. Sad kasi hindi ko naabutan si David Archuleta pero sabi ng mom ko hindi daw masyadong maganda ngayon pero ok lang yun kasi nakakaaliw talaga ung boses nya eh hehe. Tapos grabe!! naalala ko na ung pangalan nung nakahood last week sya si David Hernandez. Super naaaliw ako sa kanya kasi buo ung boses nya kahit mataas ung notes tapos maganda rin minsan pagpinapahusky nya :D Tapos super idol ko rin si DAVID COOK!! Ang ganda nung pagkahusky ng boses nya eh hehe Ang natural nya eh hehe Ang ganda nung version nya ng "Hello" by Lionel Richie..grabe!!! Nakaelectric guitar sya tapos ang ganda nung arrangement nung version na un. :D Sabi nga nina Paula pwedeng maging hit ngayon pa lang eh ahaha and Simon loved it. o di ba? ahaha

Wala lang nagpost lang talaga ko para dyan hehe God Bless!!

Sunday, March 2, 2008

Kimi!


First birthday ngayon ng pamangkin kong si Kimi! Anak sya ng first cousin ko at ang weird ng feeling na 16 pa lang ako ay may niece na ako ahahaha Bumili muna kami ni Mama ng gifts sa SM ng mga 1: 30..Nakakaaliw sobra sa children's section kasi lahat dun cute ahaha :)) Ang sarap magshopping ng pambata! Binilhan namin sya ng stuff toy na elephant ata tapos dress tapos bathrobe. Super nakakaaliw ung bathrobe kasi ang mini hahahah At syempre lahat un ay color pink pati ung gift wrapper pink :)) Tapos tumuloy na kami ni Mama sa Don Henrico's sa Tomas Morato kasi dun ung party ni Kimi. Nakakaaliw panoorin ung mga bata habang nagpaparticipate sila sa games at sigaw sila ng sigaw sobra hahahaha Nakita ko rin ung super cute kong nephew na si Kier! Older brother sya ni Kimi pero di ko maalala ung age nya eh hehe Nakakaaliw kasi ung expression nya eh parang nakakaloko ahahaha X) Tapos dumating si Barney na mascot at super kinuyog sya nung mga bata. :)) At dun ko nalaman na may bodyguard ang mga mascot..o di ba sosyal ahahahaha Si Kuya Bodyguard ung nagpapagilid dun sa mga bata habang sumasayaw si Barney. Ang daming guests na hindi ko kilala kasi relatives ni Kuya Nonoy ung husband ni Ate Jane (cousin ko). Tapos after kumain nagpicture picture sila with Barney at nagPabitin tapos umulan ng malakas! Grabe tumutulo dun sa loob nung isang part nung Don Henrico's ahaha Pero ayun umuwi na rin kami at buti na lang hindi umuulan sa part ng Tandang Sora dahil ihahatid na sana kami ni Kuya Jerson sa bahay. Nakapagsimba pa rin kami sa OLAP. :) Ang galing noh..basta intention mong gawin ung tama..si Lord na ung gagawa ng paraan hehe Excited na pala ako sa Kyut CAmp 2!!!!! :D Tuloy pala ang National Biotechnology Quiz Bee sa March 8 sa Bureau of Soils, Dep. of Agriculture..:D Hahabol na lang kami sa Kyut Camp at habang idle moments sa camp ay mag-aaral for finals ahaha

Tinake ko pala ung quiz sa blog ni Cecile at ito ang results:



You're 6:49 a.m.
You're the time of day right around sunrise, when the sky is still a pale bluish gray. The streets are empty, and the grass and leaves are a little bit sparkly with dew. You are the sound of a few chirpy birds outside the window. You are quiet, peaceful, and contemplative. If you move slowly, it's not because you're lazy ? it's because you know there's no reason to rush. You move like a relaxed cat, pausing for deep stretches that make your muscles feel alive. You are long sips of tea or coffee (out of a mug that's held with both hands) that slowly warm your insides just as the sun is brightening the sky.

Actually parang tama naman ung sinasabi dyan eh kahit may moments na nagpapanic ako ng sobra ahahaha Pero favorite na oras ko ung few minutes before seven kasi wala pang masyadong tao sa labas, malamig, masarap maglakad, nakakaaliw ung tunog ng mga ibon, tapos greyish-blue ung sky ahaha Matagal din ako uminom ng tea or coffee kasi finifeel ko talaga eh ahaha Pero ayoko lang na nagigising ako ng ganyang oras kapag may Bio Lec ako ng 7 am ahahaha :))

God Bless!! :D

Saturday, March 1, 2008

March!! :D

March na! Grabe malapit na magsummer!!! Yihee!! I'm so excited! ahahaha syempre nakailang exclamation points na ko ahahahaha :)) Actually excited lang ako dun sa ilang weeks bago magsummer classes ng Math 54 ahaha :)) Sana matuloy pa rin ung practices ng chorale habang summer ahaha

Ngayon rin pala ang soft opening ng Manila Ocean Park. Last saturday kasi pumunta kami ng family ko kasi ayon sa Mel and Joey ay open na pero hindi pa naman pala. Medyo ok lang rin kasi nagpunta kami sa Quiapo Church saka nakapunta kong Luneta ahahahah Ang joke ko pero nun lang ako nakapuntang Luneta ever ahahahahahah :)) Nagtanong tanong na rin ako sa mom ko kung ano ung mga buildings na nadadaanan namin kasi super minsan lang ako pumuntang Manila dahil parating traffic hehe. Ay nung holiday ng Edsa People Power pala kami pumunta dun so nadaan namin ung mga Pro-Gloria na mga raleyista sa Liwasang Bonifacio. Actually kahit maraming nagrarally nun eh maluwag ung daan kaya hindi medyo nakakapagod ung papuntang Manila hehe. Anyway, pupunta na lang siguro kami kapag Grand Opening na or sana sa summer makapunta kami nina Cecile dun ahaha :))

Ay oo nga pala..nanood ako ng replay ng American Idol kanina kahit napanood ko na ung episode na un nung wednesday hehe Ang galing galing ni David Archuleta!! ahaha pero actually magaling rin si Danny saka si Chikezie saka ung rock person bago si David A. hehe Pero super naimpress ako dun sa may hood...di ko alam pangalan niya ahaha Anyway, nagagalingan ako kay David A kasi malinis sya kumanta tapos ung parang mga pageexperiment nya sa boses nya maganda ung result hehe Saka parang mabait pa sya at charming sya sa audience so feeling ko mananalo sya ahaha :)) Saka! 17 pa lang sya at ang galing na nya hahaha aliw..:DUng kinanta pala nya ay Imagine by John Lennon at ang ganda talaga nung lyrics ahaha:


Imagine no possessions
I wonder if you can
No need for greed or hunger
A brotherhood of man
Imagine all the people
Sharing all the world

You may say that I'm a dreamer
But I'm not the only one
I hope someday you'll join us
And the world will live as one


National Biotech na yata sa saturday at sabay sya sa Kyut Camp 2 (Pisay Youth Camp) so baka humabol na lang kami sa Kyut Camp ni Cecile..pero sana payagan ako kasi di ako sure kung finals week na un eh aww :(

Anyway, ako'y gagawa muna ng rdr sa chem hehe God Bless!! :D

Saturday, February 23, 2008

Oppressed..:)

After 10 years makakapagpost na ulit ako hehe Tinatamad kasi ako magpost eh ahaha

Masaya naman ang Christmas break at ang birthday ko hehe Nagpasko kami sa probinsya (sa Sorsogon) at fun kasi may ginawa kami dun na sobrang fulfilling..sana next year gawin uli un ng family namin :) Nung New Year naman nandito na kami sa Quezon City at super usok talaga plus super duper ingay pero fun pa rin syempre hehe Ang new year's resolution ko sana ay maging patient, trusting at optimistic..Well, February na at medyo hindi ko masyadong nagagawa ung mga bagay na un pero tinatry ko naman hehehe :) Fun rin ung birthday ko kasi the night before nun nasa party kami ni Egg at nakakaaliw kasi nakita ko uli ung mga batchmates ko :) 16 na ko ngayon hehe

Ay naisip ko lang ang weird kasi ung title ng post ko ay oppressed tapos ung una kong sinabi ay hindi naman nagpapakitang oppressed ako ahahaha :)) Sige ikekwento ko hehe Nung Friday kasi nasabon kami ni Sir Bagulaya ung teacher namin sa Eng 12 kasi hindi kami sumasagot sa mga tanong nya at hindi tama ung mga sagot namin. Nakakatakot kasi magrecite kasi pagnagrecite ka sasabunin ka nya, parang kailangan talaga tama ung sasabihin mo. Syempre nakakahiya pag minsan tatawa sya sa sagot mo or parang ipapahiya ka nya sa klase kapag hindi mo alam ung sagot. Pero actually tama naman sya talaga na dapat nagbabasa kami pero minsan kasi parang sobra naman na iexpect nyang alam namin ang history ng mga bagay-bagay eh tapos sasabihin nya buti pa ung kaklase namin na isa na medyo may edad na alam ung mga sagot. Syempre naman eh parang aktibista naman kasi un nung panahon nya eh. Pero anyway, nakakademoralize lang talaga na pinagtatawanan nya ung mga sagot ng mga estudyante nya na pinag-iisipan naman ung sasabihin. Pero syempre kasalanan din naman talaga namin yun. :)

CS Idol at That's my Prof pala nung friday. Kumanta rin ng SEasons of Love at Paraiso ung chorale. Medyo nagadvertise si Ate Jana kung sinong gustong sumali kasi walang physics, chem at geol samin. Nakakaaliw kasi sabi ni Kuya Ralph ata may lumapit sa kanya at nagtanong kung pano sumali ahaha ang galing! sana nga dumami pa kami hehe MAs marami mas masaya hahaha :)) Ay saka medyo nagsolo ko ng konti sa seasons of love at nakalimutan ko na iba pala dapat ung kakantahin ko hindi ung normal tune ahahaha pero tinuloy ko na lang at bahala na hahaha :)) oh well haha :)) Nagback-up rin kami sa "Go the Distance" ni Kuya John at sobrang wala kaming marinig ahaha sorry, kuya john kung patalo ko..peace :)>- Pero nanalo sya ng 2nd runner-up!!! CONGRATULATIONS!!!!!! :D AY, nagperform din pala ung mga MBB faculty sa That's my Prof ng "I will follow Him" at nakakaaliw talaga sila haha :)) Ang galing nina Dr. Saloma at ung other faculty members hehe Si Dr. Hedreyda ung nagconduct hehe Fun! :D

Ngayong tapos na ang CS week hindi ko alam kung magpapractice pa rin ang chorale hehe Saka oo nga pala, may required na seminar na dapat atang puntahan kaming mga DOST scholars pero di ako pumunta..oooppss pero sana ok lang un at hindi nila ihold and stipend pero actually, sabi nga ni cecile, nakahold na nga eh ahaha :)) Meron din palang University at College Scholars Recognition nung WEdnesday at nagabsent ako sa PE.. aawwww love ko pa naman ang ten-pin bowling..hehe Babawi na lang ako sa wednesday ahaha :))

Ay oo nga pala..isheshare ko lang hehe The past few weeks were really mentally draining and emotionally exhausting. I really felt that I was a complete failure. My academic performance was waning, my family was having internal conflicts, my faith was wavering, and I was even starting to become envious of my closest friends. In short, I utterly felt empty and purposeless. Honestly, those moments of self-doubt aren't over yet. Still, I’m trying and I know that I only have to trust in Him. :)

Ayan, ako'y magreresearch muna tungkol kay Pablo Neruda para hindi na ko mapagalitan ni Sir Bagulaya hehe God Bless! :D

Friday, December 21, 2007

Ilang araw na lang..

umalis na pala ung Dad ko kanina papuntang Sudan uli.. sana maging safe sya :D

Grabe ang traffic!!!!!!!!!!!!!!!!! umalis kami sa bahay ng 10 am.. nakabalik kami ng mga 5:30!!!!!!!! wadaher!!

Ayun, super tipid ng post na to haha Basta gagawa pa ko ng RDR sa chem haha